KABANATA 5

7.4K 206 25
                                    

Don't forget to drop your VOMMENTS ha :) :) :)

Salamat ng marami sa mga mag bo vote ^_^ ^_^ ^_^

...................................

NAGISING si Philip na masakit ang ulo.Akmang babangon siya pero biglang sumigid ang kirot sa kanyang sintido.

"D*mn! Naparami yata ang inom ko kagabi." Dahil kumikirot pa ang sintido niya, nagpasya siyang magpahinga na lang muna. "Haaayyy, ku—-" kusa siyang natigilan ng mapansing nasa silid siya.Parang pamilyar sa kanya ang ayos ng silid na iyon. "No, imposible, nasa bar ako kagabi kasama si Carlo.Naglasing ako—-."

Muling naputol ang anumang sasabihin niya nang biglang bumukas ang pinto at sumulpot mula roon si Leah.May dala-dala itong tray ng pagkain.Ngayon niya lubos na naintindihan, nasa kwarto nga siya ng dalaga.Kay lapad din ng ngiting ipinagkakaloob nito sa kanya.Dahil sa pag-aakalang namamalikmata lang siya, bahagya niyang ipinilig ang ulo.Nang muli siyang tumingin sa papalapit na dalaga ay wala pa ring pagbabago.

"Sh*t! Ano bang nangyayari sa'yo Philip? Gumising ka ng!." Bahagya pa niyang binatukan ang sarili.

Hanggang sa tuluyang nakalapit sa gawi niya si Leah.Nilapag nito sa side  table ang dalang pagkain.Hhindi pa rin makapaniwala si Philip sa nakikita.At ang mas hindi niya inaasahan ay ang sumunod nitong ginawa pagka upo nito sa gilid ng kama niya.

"Good morning! Breakfast in bed." nakangiti nitong bati sabay dukwang at abot ng halik sa labi niya.Smack lang pero napa nga-nga siya sa sobrang pagka gulat, hindi niya alam kung nanaginip ba siya o totoo na talaga ito.

Kung panaginip lang ito, sana huwag na akong magising.

Sa loob-loob niya.At para malaman kung nananaginip nga ba siya o hindi, mariin niyang kinurot ang braso.

"Aw!" napadaing siya sa sakit.Napa sobra yata ang lakas ng kurot niya.

"O, bakit? May masakit ba sa'yo?" agad namang dumulog sa kanya ang dalaga.

"W-Wala, o-okay lang ako." Pilit siyang ngumiti.

"Bumangon ka na para—-"

"Leah?"

"Bakit?" nakangiti pa rin na tumingin ito sa kanya.

Hindi siya nagsalita, dahan-dahan niyang itinaas ang kamay  para haplusin ang pisngi nito.Hanggang sa dumampi ang kamay niya sa malambot nitong pisngi ay wala siyang natanggap na anu mang masamang salita mula sa dalaga.

"L-Leah?" Hindi alam ni Philip kung ano ang nararamdaman niya sa mga sandaling iyon.

"B-Bakit Phil?"

Napangiti siya pagkarinig sa paraan ng pagbigkas nito sa pangalan niya.Alam niyang hindi na galit sa kanya si Leah.Kapag kasi tinatawag siya nito ng Phil, ibig sabihin no'n, okay na sila.Kapag naman galit ito sa kanya, tinatawag siya nito ng Philip.Kinabig niya ang dalaga saka niya ito niyakap ng mahigpit.

"P-Phil?"

"L-Leah, t-totoo na ba ito?" naninigurado niyang tanong habang mahigpit itong yakap.

"A-ang alin?"

"Ito, totoo na ba talaga ito?" tanong niya at bahagyang inilayo ang sarili sa dalaga.Tumitig siya ng diretso sa mga mata nito. "Hindi ba ito isang panaginip lang? Hindi ba ako dinadadaya lang ng paningin ko? N-napatawad mo na ba ako? Hindi—-."

Naputol ang anumang sasabihin sana ni Philip nang bigla siyang halikan ni Leah sa mga labi.Nagulat na naman siya, hindi niya inaasahan na gagawin nitong muli iyon.Pero saglit lang iyon,nang makabawi siya sa pagka gulat ay agad siyang tumugon ng halik sa dalaga.He kissed her passionately.At dahil sa kakaibang sensasyon na kanyang nadarama ay tila nawala siya sa katinuan.Ang masuyong halik na iyon ay naging marubdob.

Sweet Embrace(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon