KABANATA 4

7.1K 223 37
                                    

 VOMMENTS po ha :) :) :)

Salamat ng marami ^_^

............................

"Kailan ang balik mo sa America?" tanong ni Leah kay Ronald habang kumakain sila ng tanghaling iyon.

"Hindi ko pa sigurado, lalo na ngayong naging tayo na ulit." Nakangiti nitong sabi.Hindi naman malaman ni Leah kung matutuwa siya na magtatagal pala rito ang binata.Ngumiti na lang siya ng pilit.

"Alam mo, gusto kang makilala nila mama't papa." Masayang pagbabalita nito.

"T-Talaga?"

"O, bakit parang hindi ka yata excited?" tila nakakahalata na nitong tanong.

"Ahm, n-nakakahiya naman.Hindi pa ako handa." Pagdadahilan niya.Ang totoo, hindi siya mapakali.Halo-halo ang nararamdaman niya.

"Ano ka ba naman.Mabait sila mama."

Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Napansin kong ang saya-saya niya nang sabayan ko siyang kumain kaninang umaga.

Hindi aware si Leah na pa minsan-minsan ay bigla siyang napapangiti.

Hindi pa rin siya nagbabago.Ugali pa rin niyang hintayin ako sa pagkain kahit late na akong umuuwi ng bahay.Lagi niyang ginagawa iyon noong nag-aaral pa kami.

Sa loob-loob ni Leah.

Sana—-

"D*mn!"

Bahagyang binagsak ni Ronald ang hawak na kutsara.Iyon ang naging dahilan para mapabalik ang lumilipad niyang diwa.

"B-Bakit?"

"Anong bakit? Leah naman, para akong tanga rito na salita ng salita.Tapos ikaw, lutang.Hindi ko nga alam kung nandito ba talaga 'yang isip mo.Baka naiwan doon sa bahay niyo." Napalakas ang pagkakasabi ni Ronald sa mga katagang iyon kaya nakuha nila ang atensyon ng mga taong naroon.

"Ronald, ano ba? Huminahon ka nga?"

"Aminin mo nga sa akin Leah, mahal mo ba talaga ako?"

Mahina na nitong tanong.Hindi niya alam kung bakit hindi niya agad masagot ang tanong nito.

"D*mn it!"

Bigla siyang tumayo at nagmamadaling lumabas ng restaurant na iyon.Hiyang-hiya kasi siya dahil lahat ng taong naroon ay sa kanila ni Ronald nakatingin.

"Hey, Eah, wait!" tawag nito.Pero hindi niya pinansin ang binata.

"Eah, wait!" pigil ni Ronald nang maabutan siya nito. "I'm sorry, nainis lang naman ako dahil parang wala ka sa sarili mo.I'm sorry, patawarin mo na ako." Pagsusumamo nito.

"Please?" this time, yakap na siya nito.

"Ronal—-"

"Bitawan mo ang asawa ko."

Nagulat pa siya ng marinig ang boses ni Philip.Agad siyang napakalas mula sa pagkakayakap ni Ronald.

"Philip?" Nulas sa mga labi niya.

"Halika na, umuwi na tayo." Blangko ang ekspresyon na sabi nito.Hinawakan nito ang isa niyang kamay.

"Teka lang pare." Biglang singit ni Ronald, hinawakan naman nito ang isa pa niyang kamay. "Hindi mo ba nakikita na ako ang kasama niya?"

"Hindi eh, wala akong nakikita." Matigas nitong sabi."halika na."akmang hihilahin na siya nito pero agad namang nag-react si Ronald.

"Ang bastos mo naman pare."

Sweet Embrace(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon