□□□

30 3 0
                                    

I'm Nishi, Nishimiya Yunarika. Nationality? Obviously i'm japanese and this is my story on how your idol make fun of me.

□□□

7 am at Japan year 2016

It's 7:00 am in the morning i'm walking at the street because we don't have any car or bicycle to ride on to get to the school.

"Yunarika! Sabay ka na sa'kin baka malate ka pa." Agad akong napatingin sa gilid ko ng nakahinto duon ang sasakyan ni Yuriko at nakasilip siya sa bintana.

"Salamat Y-Yuriko." Sabi ko at sumakay na sa sasakyan. Nakakahiya man ay kailangan ko talagang sumabay. Hindi kami masyadong close ni Yuriko dahil nga mayaman s'ya at ako naman'y hindi. Lahat ng kaibigan n'ya ay bully pero s'ya hindi ko kailanman nakitang nanakit ng ibang studyante na mas mababa sakanya. Mukha siyang inosente sa lahat lahat at higit sa lahat ay fan s'ya ng boy group na tinatawag na BTS.

"Yuna, diba kilala mo 'yung bts?" Tanong niya sa akin at tumango ako. "Talaga? Sino bias mo?" Tanong niya pa ngunit hindi ko iyon masasagot dahil hindi ko alam kung ano yung kahulugan ng bias.

"Ah a-ano yung bias?" Tanong ko sakanya.

"Yung gusto mo, sino yung pinaka nagustuhan mo sa mga member." Paliwanag niya at napaka ah naman ako tumango tango. "Sino? Ako kasi si Taehyung, my precious alien boxy smile." Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi niya. Ganito ba talaga dulot ng kpop sa tao?

"Ah haha." Nasabi ko nalang.

"I think bagay sa'yo maging bias si Jungkook." Sabi niya pa kaya nginitian ko nalang siya dahil wala talaga akong alam sa mga ganoong bagay lalo na't japanese ako at koreano yung mga gusto nila. "Wait i think i have a merch right here gusto mo? Sa'yo nalang." May iniabot siya sa aking itim na box. "Ah army bomb 'yan, meron na kasi ako eh so i think i should give it to you nalang tutal army ka din diba?" Ano yung army??

"Haha s-sige salamat Yuriko."  Pasalamat ko at lumiko na kami papasok ng University. Habang nasa loob ng unibersidad yung sasakyan nila Yuriko kapansin pansin na ang daming mga nakasunod dito dahil nga sikat si Yuriko at mayaman.

"Ugh again, sawang sawa na 'ko na laging may nakasunod sa'kin kailan kaya sila titigil?? Gusto ko lang ng matahimik na buhay." Inis na reklamo ni Yuriko.

"Miss Mitsuki nandito na po tayo." Sabi nung driver, bumaba na ako ng sasakyan ni Yuriko at siya din naman ay bumaba na. Nakatingin sa'kin yung mga estudyante.

"Hala ba't may kasamang hampaslupa si Yuriko?"

"I think naawa lang d'yan si Yuriko, isang Yuriko magsabay ng peasant sa mercedez benz niya? Nah."

"God hindi bagay kay Yunarika sumakay sa ganyang kamahal na sasakyan no mas magmumukha pang mas malinis yung sasakyan kaysa sakanya."

Hindi ko na pinansin yung mga estudyante at lumakad nalang deretso sa room AB1.

Habang nagdidiscuss si Ma'am Ishigawa ay hindi ko maiwasang mapaisip kung sino yung Jungkook na sinasabi kanina ni Yuriko at yung army ata 'yon? Ay nako ewan.

"Yunarika mukhang malalim yang iniisip mo gusto mo bang ishare para bumabaw?" Napatingin ako kaagad kay Ma'am Ishigawa at nagtawanan naman yung mga kaklase ko.

"Ah...w-wala po Ma'am." Sagot ko.

"Okay back to the topic, what does the photosynthesis means?" Tumingin ako sa bintana upang tingnan yung langit, makulimlim at mukhang uulan.

____

"Hays nakakainis naman wala akong payong pa'no 'ko uuwi nito." Inis kong sabi habang nakatayo sa dulo ng hallway naghihintay ng taong mabait na magbibigay sa'kin ng payong dahil nga malakas ang ulan.

"Yunarika!" Napatingin kaagad ako sa tumawag sa'kin.

"Y-Yuriko." Banggit ko sa pangalan n'ya.

"Sumabay ka na sa'kin, umuulan baka lumakas pa lalo mababasa ka." Sabi niya.

"K-Kasya ba 'ko?" Tanong ko.

"Oo naman, sila Mitsei lang naman yung nandito at saka si Lucas." Sagot naman ni Yuriko, wala na akong choice kundi ang sumakay duon dahil wala din namang susundo sa'kin. Kahit labag sa loob kong sumabay dahil nga nanduon si Lucas at Mitsei na parehong pinagsisira yung gamit ko last year ay sumabay pa din ako.

Habang tahimik akong nakaupo sa gilid ay nadawit yung pangalan ko bigla sa usapan nilang tatlo.

"Hey Yunarika, are you the peasant that they're talking about na kasabay daw pumasok ni Mitsuki sa Yoroshi University?" Sabi ni Ayane pero hindi ko siya pinasin. "And they also say na nakasakay ka pa daw sa kotse niya?"

"Whoa, is that true Mitsuki?" Tanong naman nung americanong kaibigan ni Yuriko na si Lucas.

"Uhm yeah, sinabay ko siya kanina baka kasi malate pa siya diba since we're classmates naman so why not?" Sagot naman ni Yuriko.

"Mitsuki is incredible, imagine she's really innocent outside her house but inside hohoho you know what i mean Mitsei." Nagtawanan silang dalawa habang si Yuriko naman ay umiiling lang sakanilang dalawa.

"Oh wait mister ayun yung tirahan ni Yunarika oh." Sabi ni Lucas habang nakaturo sa nadaanan naming dumpsite.

"Hahahahahahahaha." Tawanan nilang dalawa.

"Lucas stop it, wala namang ginagawang masama sa'yo si Yuna ah, ang bait kaya ni Yuna." Sabi naman ni Yuriko kay Lucas. Nakatingin lang ako sakanila.

"Hey wait Mitsuki is she a fan of BTS too?" Tanong ni Ayane kay Yuriko.

"Ah yeah, bias niya si Jungkook." Sagot naman ni Yuriko.

"Whoa, imagine pakasalan siya ni Jungkook, ugh nasty." Yumuko nalang ako dahil lagi nalang akong napapahiya.

"Oh what a pitiful girl." Rinig kong sabi pa ni Lucas habang binabawal sila ni Yuriko.

"Hey wait BTS will be having a concert here in japan sa November, tara punta tayo magpapareserve na 'ko ng ticket for the three of us." Sabi ni Ayane.

"Four of us, isasama na'tin si Yunarika." Umangat yung tingin ko kay Yuriko.

"What? She can't afford VIP Ticket or even VIP Guest." Sabi naman ni Lucas. Tama naman si Lucas hindi ko kayang bumili ng ticket na vip sa isang concert dahil ito nga'y sadyang mahal.

"I'll pay for the two of us." Yuriko said. "Right Yunarika? So be ready to meet Bangtan Seonyeondan because this is going to be fun." Nakangiting sabi sa'kin ni Yuriko.

Fun?

□□□

NightmareWhere stories live. Discover now