*******************
"Tama nga ang mga Anito na merong mga taong nakakuha ng dugo ng Dyosang si Dian Masalanta"
Sambit nito at meron pa ding ekspesyon na hindi makapaniwala pero meron na itong ngiti sa labi..Ano ba ang sinasabi nya?
"Lathala" Biglang pagsasalita nito kaya naman napatingin ako ulit sa Feeling Close na lalaki.
"Ano?" May pagkalito na tanong ko dito.
"Lathala ang ngalan ko" Sabi pa ulit nito.
Lathala?
Bakit?
"Sige pa, magsinungaling ka pa Christopher Peligro" Sabi ko dito at saka binitawan ang I.D nya at dali- dali na kinuha ang Siomai ko.
"Hindi nga ako nagsi-sinungaling. Isa akong Datu, Ako si Datu Lathala" Sabi pa ulit nito.
"Wag ka na ulit lalapit sa akin."
Bakit?
"Dahil ako ang kausap mo kahapon" sabi nanaman ng isang lalaki na hindi ko kilala na nagpapakilala bilang Lathala.
Ano bang ginawa ko at pinaglalaruan nila ako?
"Tara na" Sabi ng isang magandang babae na ngayon ko lang nakita at nakilala habang nakalahad ang mga kamay nito sa akin.
"Saan mo na naman ba ako dadalhin Lathala?"
Bakit ako nalagay sa sitwasyon na ito?
"Dahil ikaw lang ang makakatulong sa'kin na makumbinsi ang mga dyos at dyosa na tulongan ako" Sabi nito sa akin at saka pinakita ang mga ngiti nya.
Babae ang kaharap ko ngayon pero kahit na ganun hindi pa din tumitigil ang mga nakakakiliti na pakiramdam.
Araw-araw panibagong muka ang nakikita ko pero katulad nito ay Araw-araw ko syang nakikilala at minamahal...
Nalilito na ako...
Pero ang pinaka hindi ko maintindihan sa lahat ay kung bakit ako nakikipag-dwelo sa isang dyosa...
Ano ba naman kasi 'tong pinasok ko?!
*****************
Malediction For The Datu
Disclaimer!
This is a work of Fiction. Names, Business, Characters, Place, Events and Incidents are either products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
©~Rupampam
✨
This book is dedicated to the real Remiah Ruri Chavez and she is the every reader of this book...
BINABASA MO ANG
Malediction For The Datu
Historical FictionSi Remiah Chavez ay isang normal na 18 taong gulang na dalaga na nabubuhay sa taong 2021 kung saan ang mga taong ipinanganak mula noong huling bahagi ng ika-19 na siglo hanggang ika-20 ay tinatawag ang kanilang sarili bilang Generation Z o mas kilal...