Chapter 3 Pagkalito sa Katotohanan
🇵🇭
...
Remiah
"Sino ka ba?"
Ayon lang ang sinabi nya pero pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa pagkapahiya o dahil sa inis na unti-unting bumabalot sa katawan ko.
Anong sinabi nya?
Sino... ako?
Pinaglalaruan ba nila ako?
"Oy Miah!" Nagutla ako ng biglang sumigaw si Gail sa tabi ko dahilan para mabaling dito ang atensyon ko.
"Problema mo?" Pagtatanong ko dito.
"Anong ako? Baka ikaw ang may problema, kanina ka pa nakatingin sa kawalan. Nababaliw ka na ba?" sabi nito at saka kumuha ng ulam sa baon ko na pagkain. Kaming dalawa lang ngayon ang kumakain sa Canteen dahil busy ang tatlo ko na kaibigan na mag check ng mga papel namin.
Pasimple pa talaga ang unggoy na 'to.
"Iniisip ko kasi kung kilala mo si Prince."
"Sinong Prince?" Tanong nito at mukang nag isip pa ng malalim.
"Prince prays" seryoso na sagot ko dito.
Sumeryoso din naman ito bago mag-salita. "Kilala mo si Chris?" tanong naman nito.
"Chris? Chris-py Pata?" sagot ko dito dahilan para mapanguso ito. Akala nya di ko alam 'yon eh ang laos-laos na ng joke na 'yon.
"Gaga hindi! Si Chris na pinsan ni Rendell na taga Stem naka tingin sayo kanina, close ba kayo?" sabi ni Gail at saka itinuro ang lalaki na naglalakad palayo sa pwesto naming habang may mga kasama itong mga ibang lalaki na mukang kaklase nya.
Kaya naman kwinento ko dito ang nangyari sa akin kahapon.
"Ang weird naman. Baka nag dru-drugs sya?" suhestyon nito kaya naman hinampas ko ito dahil baka may ibang may makarinig na iba at isipin na totoo pa 'yon.
"Hindi naman siguro?" walang kasiguradohan ko na sagot kaya naman nagkibit-balikat nalang si Gail.
"Nga pala Miah mauna ka na sa room, pupunta pa ako sa Room ng baby ko" sabi nito kaya naman tinignan ko nalang ito ng may pandidiri at saka tumayo bago umalis ng walang paalam.
"Ingat ka Miah!" rinig ko na sigaw pa nito kaya naman itinakip ko nalang ang dala ko na baonan sa muka ko at saka mabilis na naglakad.
Kakahiya...
Habang naglalakad hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at tumigil ako sa harap ng room ng Stem at pasimple na tumitingin para mahanap si Christopher.
"Sinong sinisilip mo dyan?"
"Ay butiki!" Gulat na sabi ko sa tao na nagsalita sa likod ko dahilan para mapatayo ako ng tuwid.
Napakunot naman ang noo ko ng makita ko ang muka nito na kahit kailan ay di ko pa nakita pero katulad ni Rendell at Christopher ay meron itong pamilyar na awra. Maputi ito at Chinito habang naka brush-up ang buhok nito ang pinagkaiba lang nito kila Rendell ay medyo magkasing tangkad lang kami.
"FC ka 'noh?" Pagtataray ko dito at saka lumakad paalis na para bang walang nangyari.
"Remiah!" Tawag nito sa pangalan ko dahilan para mapatigil ako mapatingin dito.
BINABASA MO ANG
Malediction For The Datu
Fiction HistoriqueSi Remiah Chavez ay isang normal na 18 taong gulang na dalaga na nabubuhay sa taong 2021 kung saan ang mga taong ipinanganak mula noong huling bahagi ng ika-19 na siglo hanggang ika-20 ay tinatawag ang kanilang sarili bilang Generation Z o mas kilal...