Pangalawang Kabanata

8 1 0
                                    

Chapter 2 Isang Estranghero

🇵🇭

...

Pagkatapos nang araw na 'yon pakiramdam ko gusto ko na magpalipat ng school. Lalo na natakot ako nung sinabi nya na hindi nya na iaalis ang tingin nya sa akin.

I mean- Hello?! Ayoko ng stalker noh!

"Remiah bilisan mo na, late na ako!" Galit na sabi ni Ate Andy sa akin at saka hinila nang mahina ang dulo ng buhok ko.

"Aray! Oo na maliligo na ako!" Sabi ko at saka kinuha ang towel ko bago lumakad papunta sa banyo.

"Dahil lang maaga ka nagising kaysa sa'kin ang yabang mo na" Sabi ko at halos binulong na lang ang sinabi ko.

"Ate Andy may sinasabi si Ate Remiah!!" Bigla namang pagsusumbong ng kapatid ko na lalaki na si Ethan na nakaupo pala sa sala namin habang hawak-hawak na naman ang cellphone nya.

"Anong sinabi?!" Tanong naman pabalik ni Ate Andy habang nasa kwarto. Tumingin muna sa akin si Ethan at saka ngumiti ng may kapilyohan.

"Ang pangit pangit mo daw ate, Napakahambog mo pa, sumosobra na daw kayabangan mo!" Sabi ni Ethan na dinagdagan na agad ang sinabi ko.

"Hoy wala akong sinasabi na ganun!" Sabi ko naman dito at akmang lalapitan na ng makita ko na lumabas na sa kwarto si Ate Andy at halata dito ang pagkadisgusto sa akin.

"Sabi ko nga maliligo na ako" Sabi ko na lang at saka nagtatakbo sa banyo.

Lagi nalang talaga akong pinagtutulongan ng dalawa na 'yon.

...

"Kuya dito nalang po ako!" sigaw ko sa tricycle driver at saka ako bumaba sa sinasakyan ko. Aalis na sana ako ng bigla ko maalala na hindi pa nga pala ako nagbabayad kaya naman inis na napakamot ako sa ulo at saka kinuha ang pitaka ko at nag abot ng bayad.

"Maraming salamat po manong" sabi ko dito at saka tumalikod bago lumakad ng mabilis para makapasok na sa gate ng eskuwelahan na pinapasukan ko.

"Oops teka lang, patingin ng I.D" Biglang harang sa akin ng guard na pinapasokan ko. Inis naman na napatingin ako dito at saka kinuha ang bag ko para maghanap ng I.D...

Ilang segundo na ang lumipas pero hanggang ngayon ay naghahalungkat pa din ako ng mga gamit ko sa bag ko pero walang kahit na anong palatandaan na nasa bag ko ang hinahanap ko.

Mukang hindi ko nadala ang I.D ko...

Wala na bang mas sisira pa ng araw ko?

Napabuga nalang ako ng hangin dahil sa iritado na pakiramdam na unti-unting nabubuo sa loob ko at saka binigyan ng isang napakagandang ngiti ang guard bago magsalita.

"Pwede bang tignan ko muna sa loob ng bag ko?" sabi ko dito kaya naman tumango ito at humakbang pa atras sa akin.

Nagkunwari naman akong maghahanap padin ng I.D sa bag at unti-unting humakbang sa gilid ng gate at saka kinuha ang cellphone ko.

Hinanap ko agad ang pangalan ni Joy sa messenger ko, buti at online ito kaya naman chinat ko ito agad.

Messenger

Kagalakan mah Friend😘❤️

[Hoy nasa loob ka na ba ng school?]

[Oo. Bakit?]

[Hindi ko nadala ang I.D ko. Pahiram naman saglit ng sayo, Iabot mo nalang sa akin sa likod ng school, sa may bakod]

Malediction For The DatuTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon