Prologue

1.4K 112 13
                                    

---------------------
Beginning Chapter
---------------------

-------------
S E T H
-------------


"MAY PATAY pa rito, chief!"

"Pake sama nalang dito sa iba. Simulan nyo na ang pag iinspeksion sa paligid."

"Yes chief!"

"Chief, eto na po ang mga pangalan ng bawat biktima. Nailista na po lahat."

"Sige. Gawin mo na ang ibang ipinapagawa ko sayo."

"Yes Chief!"

"Pakidagdagan ang barricade tape dito!"

"Wala pa ba ang sasakyang magdadala sa mga bangkay?"

"Kunting sandali nalang po at makakarating na raw po sila. Medyo may problema lang daw po kasi ang sasakyan."

"Ano? Kung kailan naman kailangan, tsaka pa nagka problema. Sabihin nyo na paki bilisan nila. Hindi tayo maghihintay rito hanggang umaga."

"O-opo chief."

Minsan talaga, hindi ko maintindihan ang ibang tao. Bakit nga ba may mga sakim na indibidwal na hindi magawang makuntento sa sariling biyayang binibigay ng diyos sa kanila.

Kahit sabihin nating makakatungtong sila sa mas mataas na puwesto dahil lang yun ang gusto nila. Bakit pa kailangan pa nilang kumitil ng buhay ng iba. Hindi sila ang hustisya na pwedeng tumapos ng buhay ng isang tao dahil lang sa pagiging sagabal ito sa mga plano nila na maghari sa mundo.

Walang diyos na kinikilala ang mga taong ganito kung mag isip. Sariling interes at pakinabang ang tanging sinasamba nila at yun ang sinusunod lagi ng puso't isip nila. Hindi baleng makasakit ng iba, matupad lang ang gustuhin nila.

Ayos lang naman minsan na maging makasarili tayo. Pero hindi naman ibig sabihin, na mapupunta na ito sa pagiging sakim natin. Gaya ng sabi ko, minsan lang. Hindi minu minuto.

Minsan naisip ko tuloy. Ano kaya ang nasa isip ng bawat tao ngayon. Sigurado akong may nag iisip ng gaya ng pag iisip ko. Ang lahat ng tao ay unique. Pero kahit sa kunting bagay o interes may pagkakapare pareho rin naman ang lahat ng tao. Yun ang dahilan ng pagkakaintindihan at ang pagkakasundo ng bawat isa.

Pero ibang estorya na pag parte sa pamilya ko ang paksa ng usapan. Masyadong kasalungat ng pag iisip ko.

"Hoy, bata. Wag kang humarang sa daan! Masyado na kaming abala tapos dadagdag kapa. Umalis ka diyan!"

Biglang sigaw ng Chief ng police sakin kaya napapitlag agad ako at tumingin sa likuran ko at napagtanto na kanina pa pala bumubusina ang isang sasakyan na itim sakin.

Wala akong nagawa kundi ang dali dali tumabi at pinaraan ito at dumiretso sa unahan kung saan ang nangyaring insidente.

Dahil sa sobrang pag iisip hindi kona tuloy namalayan na nakaharang na pala ako sa daan.

Teka, may klase pa pala ako. Naku late na ako. Tumakbo na ako at umiiwas sa mga taong naroon din at nakiki usyoso sa naganap na massacre dito sa isang abandonadong factory building.

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon