💎041💎 Introduction

165 38 3
                                    

Introduction
~•~•~•~•~•~•~•~
041

Seth's Pov

Kalahating araw din akong nagpahinga dahil medyo masakit parin ang ulo ko matapos kong kumain kanina ng sabaw.

Malakas na ang sikat ng araw ng gumising ako at nagpasyang maglakad lakad muna sa buong Tenjio.

Infairness, maganda ang bayang ito. Sagana daw ito sa yamang lupa kaya medyo kaaya aya talaga ang mga bahay at istruktura ng paligid.

Parang tourist spot kumbaga.

Takin-takin ko sa likod ko ang espada ko habang magkadikit ang dalawang kamay ko mula sa likod na naglalakad sa kalsada.

Ang ganda ng mga tanawin dito. Napahinto ako ng may makita akong isang water well sa may bandang gitna ng bayang ito. Ang ganda ng bricks sa paligid nito pati sa lupa palibot nito.

Maganda rin ang design nito kahit na balon lang siya.

Marami ang nagtitimba sa balon na nakapila at hindi rin naman yun nagiging problema nila dahil mukhang nagkakaisa naman ang lahatng mga mamamayan rito. Isa pa, medyo may kalawakan din ang naookupa ng water well na ito kaya hindi nag sisingit yung iba para lang maunang umigib.

"Ayun sa narinig at nabasa ko, Water of Elves ang tawag sa balon na yan." Biglang nagsalita sa may gilid ko si Noah kaya napatango nalang ako.

Alam kong siya talaga yun mula pa kaninang hindi pa ito nagsalita kaya hindi ako nagulat at lingunin pa siya.

"Isang linggo pa lang mula nang makabalik tayo dito sa Eryldia marami kana namang nalalaman sa pagbabasa mo." Sabi ko naman habang tumitingin parin dun sa direksiyon ng mga taong nag iigib sa balon.

"Sa katunayan. May binili na naman akong bagong libro sa isang bookstore dito." Sabay pakita nito sakin ng isang volume ng libro na medyo luma na ito pero mukhang buo pa naman ang mga pahina nito.

Teka. Bumili? Siguradong mahal ang librong yan. 'wag niyang sabihing inubos niya ang lahat ng pera namin sa librong yan!

"Teka. Inubos moba ang pera natin para lang sa libro nayan? Ano kaba naman." Sita ko rito.

"Anon pera mo. Pera ko kaya yun. Yung pera mo inubos mo sa paglalasing mo kahapon. Wag kang ano." Sabay pitik pa ni Noah sa noo ko kaya napahawak agad ako rito dahil medyo malakas ang pagkakapitik nito. Sinamaan ko siya ng tingin pero hindi naman ito ulit tumingin sakin.

Sinimulan na nga niyang buklatin ang unang pahina ng libro a nagsimula na namang mag basa.

Matagal na panahon na rin simula nung umalis kami sa Eryldia. Nung mawala kami napagtanto naming marami talaga ang nagbago. Nalaman namin yun pagkabalik namin dito.

Marami kaming dapat ipaliwanag sa kanila pero ang mahirap hindi namin alam kung saan namin sila hahanapin. O kung buhay paba sila.

"Sigurado ba kayo dyan?"

"Oo. Totoo ang balitang yun. Siguradong magiging katapusan na talaga ng bayan nating ito kapag hindi pa dumating dito ang VerA. Bakit ba sila natatagalan?"

"May bali-balita kasi na parang higit sa isa ang mga Devil Mages na pupunta dito at ang mas nakakatakot pa ay sinabi pa nilang mga immortal silang lahat."

Teka. Immortal?

Napasinghap yung kausap nung isang lalaki na katabi lang din ni Noah. Nag-uusap sila sa tabi ni Noah.

"Baka sabihin na ng pinuno ng bayan natin mamaya ang paglisan natin dito sa bayany ito bago pa tayo maabutan ng mga demonyong yun."

"Kung sanang nandito na ang mga VerA wala na tayong maaari pang maging problema."

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon