🔰009🔰THREE REASONS

405 64 4
                                    

THREE REASONS
~•~•~•~•~•~•~•~•~

                                                  009


Shaina's Pov

ILANG SANDALI na ang lumipas simula nung may malakas na pagsabog mula sa bubong ng palasyo.

Yumanig ang paligid kaya natakot ako bigla tsaka naisip ko si.. Phansa. Ayos lang kaya siya? Sigurado akong sa kanya galing ang malakas na kapangyarihan nayun pero hindi ako sigurado kung maayos lang kaya siya sa taas.

Hindi ko parin lubos akalain na kilala niya ang nagpanggap na reyna nayun kanina. Bakit ba kasi hindi ko man lang napansin na impostor lang pala yun.

At sa pagkaka saksi ko sa mga ikinikilos ni Phansa, mukhang kilala na niya ang nilalang nayun dahil parang alam niya talaga kung sino at ano ang taong kaharap niya nung mga sandaling nagkita sila. Siguro nakilala niya yun dahil sa lakas ng aura?

Tapos nung kanina. Hindi ko akalain na bigla niya akong niyakap nung sabay kaming natangay palayo ng kapangyarihan nung impostor.

At dahil dun hindi ako gaanong nasaktan dahil inako niya ang lahat ng yun nung bumagsak kami sa semento. Pero hindi naman sana niya ginawa pa yun.

Ang akala ba niya eh dahil babae ako eh madali lang akong masugatan at manghina. Minamaliit nya ba ako ng dahil lang dun? Pero, bakit ko pa ba iniisip yun ang importante ngayon ay mahanap kona si Rina. Nasaan na nga ba talaga ang babaeng yun? Kanina kopa siya hinahanap pero hindi ko talaga makita.

Napapagod na ako ha. Pakiusap magpakita kana. Argh!

"Sigurado ka ba talagang buhay pa ang hinahanap natin? Kanina pa ako naiinip, gusto ko nang masayang laban."

Napalingon naman ako agad sa may bandang kaliwa ko. Bigla kasing nagsalita ang dambuhalang ahas na ito na kanina kopa kasama sa paglalakad.

Oo. Tama. Kasama ko ngayon ang isang Devin creature na pagmamay-ari ni Phansa. Ano nga ulit ang tawag ni Phansa sa halimaw nato? Shini? Hindi.

Ah Shinsei ata yun? Tama.

"Pwede ba kanina kapa daldal ng daldal jan. Tumahimik ka na nga pwede. Kung gusto mong umalis dun sa labas pwede ka namang umalis. Sino ba naman kasi ang nag utos sayo na sundan ako ha.?" Hindi na talaga ako makapag timpi at sinigawan kona siya.

Ang laki laki ng boses tapos napakaingay, sino ba ang hindi magagalit. Kahit na Devin pa siya, huwag siyang ano diyan. Kumukulo eh.

"Wala akong magagawa dahil yun ang iniutos saakin ng batang yun. Minsan talaga hindi mo mababasa ang isip ng mga tao." Dagundong naman na saad nito. Grabe talaga, nakikipag-usap ako ngayon sa isang higanteng ahas.


"Utos? Sinong nag-utos? Si Phansa? Bakit naman niya biglang uutusan ka para lang sumama saakin, hindi ko nga napansin na sinabihan ka niya kanina dahil bigla bigla ka nalang sumabak sa laban at parang baliw na dinagmal ang kalaban pero hindi naman tinamaan." Natatawa kong sambit dito.

Sinamaan ako nito ng tingin. Hindi ko akalain na marunong rin palang maging parang tao kung umasta ang mga Devin. O siya lang ang ganito.

"Bago pa ako pinalabas ng batang yun sa katawan niya sinabihan na niya ako na sasamahan kita para bantayan."

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon