🔰006🔰LIGHTNING OF WAR

452 66 10
                                    

LIGHTNING OF WAR
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~

Phansa's Pov

"Magandang umaga. Gusto mo bang bumili ng mga sandata?" Bungad saakin ng may ari nitong blacksmith shop na pinasukan ko.

"Gusto kolang muna sanang matingnan." Sagot ko naman.

"Sige. Tawagin mo nalang ako kapag may napili kana." Ani naman ng may ari. Nilibot ko ng paningin ang buong shop na ito. Lahat ng dingding sa sulok ay puno ng mga nakasabit na ibat' ibang uri at hugis ng sandata.

Naalala ko tuloy si Tanda. Ganitong ganito din ang mga bagay na nakikita ko sa bahay niya. Maraming chest armor at mga espadang kakaiba ang mga pagkakagawa. Ibat ibang uri ng kutsilyo at haba.

Sana pala nagdala nalang ako ng espada galing kay Tanda bago man lang ako umalis. Ang sabi kasi niya may isang espada daw siya na ginagawa at ibibigay daw niya iyon sakin.

Pero hanggang umalis nalang ako hindi parin daw niya yun natatapos. Mahirap daw kasi gumawa ng isang sandata na gawa mismo sa enerhiya ng tao maliban sa metal. Mas titibay daw ang isang sandata kapag may nahalo ditong isang stored energy na kailanman ay hindi ito matitibag.

Napaka espesyal daw ang gagawin niyang sandata kaya matagal tagal pa daw ito matatapos. Ang sabi pa daw niya hindi ako dapat humawak o gumamit ng kahit anong sandata maliban sa kapangyarihan ko hangga't hindi ko pa daw nakukuha ang sandatang matagal na niyang ginagawa.

Dahil pag ginawa ko daw yun maaaring hindi kona makukuha ang sandatang espesyal na ginawa niya para saakin. Gusto niya ba talaga akong mamatay sa gitna ng isang laban? Kung may matatalim na kuko lang ako o pangil hindi na talaga ako aasa sa sandatang ibibigay ng tandang yun.

"Eto nalang po." Nakapili na ako ng isang sandata. Isa itong uri ng espada na gaya ng hugis ng isang Gradius sword. Kinuha ko ito at sinubukang i swing swing sa hangin para masubukan ko kung gaano ito kabigat.

Pero mabigat pala talaga siya.

"Isang Gradius? Sige." Pinalapit na ako dun sa counter. "Isang daang pilak ang halaga ng sandatang yan."

Parang nawalan yata ako ng lakas kaya muntik ko nang mabitawan ang espada at binigyan siya ng gulat na tingin. "I-isang daang... Isang daang pilak? Ang mahal naman po ata. Kalahati lang po ang kaya ko."

"Eh basta ganyan ang presyo ng sandata na yan. Mahirap gumawa ng ganyan ka gandang espada."
Nakasimangot na saad ng may ari.

"Pero napaka bigat po ng sandata nato. Mahirap po siyang kargahin habang naglalakbay. Baka naman po pababain nyo ng kalahati ang bayad." Pangangatwiran ko naman rito.

"Hindi naman yan mabigat eh. Baka ngayon kalang naka hawak ng espada sa buong buhay mo."

Teka, paano niya nalaman yun? Ganun na ba talaga ako kahinang tingnan? Si Tanda kasi ang dahilan kung bakit hanggang ngayon wala parin akong sandatang nagagamit. Puro kapangyarihan kolang ang ginagamit ko sa pakikipaglaban kaya natural na maninibago talaga ako kahit na hindi mabigat e mabigat na saakin.

Parang pam babae ang braso ko.

"Sige na nga. Bayaran mo nalang ang kalahati at sa susunod nalang ang isa pa."

Noble Swordsman                                             [Book One COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon