Decision

15 3 5
                                    

A/n:
Before I start I just wanna say that, one shot stories are not for me. I don't really know why am I doing a lot now. Maybe because I want to express my feelings through this one shot stories. Well, sana magustuhan nyo :)

_____ 

"I dare you to give me another chance" sambit ni Galen kay Rey.

"No, I'm not gonna do it. I don't want this game anymo-" naputol ang sasabihin niya dahil biglang nagsalita si Lehn.

Ang promotor at president ng aming classroom, we are now playing the game 'Truth or Dare'.

How did we end up playing this? Nah, we always do this at Math subject nowadays, our math teacher, she's sick and the other teachers are 'busy'.

"Eto yung game Rey, parang 'di ka na nasanay" saad nito bago paikutin muli ang bote na nasa harapan niya.

"Bahala kayo, lalo na ikaw. 'Di mo man lang nirespeto ang desisyon ko, ginamit mo pa ang game na 'to!" duro ni Rey kay Galen bago padabog na umalis ng classroom.

Sumunod naman si Fei na Bestfriend nya. Pupunta yata ng banyo.

Sakto naman ang pagtigil ng bote pagkasara ng pinto. Tinignan ko silang lahat.

"Dan will dare Cane" saad ni Lehn.

Ako ang idadare, apperently meron lang kaming '3 chance' para piliin ang truth. Our goal is to spin the bottle 50 times before the bell.

Sad to say, kanina pa iyon ubos. 25th spin and sakin nanaman tumapat. I sigh.

"I dare you to prank your boyfriend" sabi ni Dan. Ooooh 'di ko alam kung bakit natutuwa ako.

My boyfriend is funny and I'm sure that he will understand no matter what prank I'll do.

"Anong prank naman?" tanong ko .

"Oo nga, madami kayang kinds no'n" saad ni Kailin.

"Pre, wag naman yung panira ng relasyon ah" sabat naman ni Kyle.

Oo nga pala, hindi ko classmate ang boyfriend ko. Nasa kabilang section siya.

"Break up prank, tapos papansinin mo siya after 3 days" sabi ni Dan. Tsaka kumindat sa akin.

Umirap ako. Dan was my suitor, pero sinagot ko si Liatt kaya naman as you can see, bitter siya.

Humawak ako sa ulo ko. That was a long time ago, hanggang ngayon bitter parin siya.

"Ano, gagawin mo ba?" sabi ni Dan habang may ngisi sa mga labi nito.

I sigh, seryoso siya sa bagay na ito. Ano kaya ang kalalabasan no'n?

_____

Tinignan ko mula sa malayo sina Dan, ang laki ng ngisi nito. Mukhang gusto talaga na may mangyaring masama eh.

"Oh, darling ba't mo 'ko sinundo? 'di ba sabi 'ko, ako na ang susundo sayo" sabi ni Liatt at kinuha ang dala dala kong bag.

"May gusto sana akong sabihin sayo" sabi ko at sumunod na ako sa paglalakad niya papuntang school gate.

"What's that?" Tanong nito at tinignan ako ng bahagya. Kinuha ko ang bag ko sa kanya.

Kumunot ang noo nito at tsaka ako tinignan. Isinuot ko na ang bag ko.

"What are you doing? Why did you-" natigil ang pagsasalita nito ng putulin ko iyon.

"I want to break up with you" sabi ko. Na-stuck ang mga paa ko sa sahig.

Sasabihin ko ba sakanya na prank lang? O susundin ko ang rules ni Dan? Hahayaan ko bang...

"Why?" Tanong nito at akmang hahawakan ang baba ko. Pero iniwas ko ito at dali daling tumakbo palayo sa kanya.

"Good job Cane, now let's wait for 3 days" sabi ni Dan na sinundan ako nung tumakbo ako.

_____

Aaarghh! Tama ba yung ginawa ko? Kasi naman, if hindi ko yun ginawa. Maaawa ako sa sarili ko.

Kase hindi ko nasunod yung dare. Aish! Mas mahalaga pa ang identity mo kesa sa boyfriend mo?

Cane! Think about it! Mas mahalaga ba?! ANSWER!

*Phone Rings*

Agad akong napatingin sa phone ko na nakalapag sa kama ko. It's Liatt.

WHAT SHOULD I DO!? The rules said na I will ignore him and after 3 days I-

"Cane, may bisita ka sa baba" sabi ni mommy mula sa labas ng kwarto ko.

Kinagat ko ang daliri ko sa kamay, Si Liatt kaya?

"Ma sino?" Sagot ko mula sa aking kwarto.

"Eto talaga si Cane, aba syempre yung boyfriend mo" sabi ni mommy.

_____

"Ba't ka nandito?" agad na tanong ko pagkakita sa kanya.

"Cane-" naputol ang sasabihin niya.

"Goodbye" sabi ko at akmang papa-akyat ng hagdan pero-

"Cane, I think you're right" agad akong napatingin sa kanyang sinambit. Did he-

"We must break up and be-"

"Cane, gagawin mo ba?!" Bumalik ako sa aking sistema dahil sa sigaw ni Lehn.

Tumingin ako kay Dan, na nakangisi parin. Umiling ako at sabay na tumayo at tumakbo papalayo sa lugar na iyon.

Pagkadating ko sa banyo ay agad ako na naghilamos ng malamig na tubig. Humawak ako sa ulo ko ng bigla iyong sumakit. Umiling-iling akong napaluha.

Relax yourself Cane, Relax. Don't let your GAD control your mind again. Think about happy things , think.

Decision [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon