Kabanata 3

2 0 0
                                        

Kabanata 3

Iminulat ko ang mata ko nang marinig kong may kumakatok sa pintuan ng kwarto ko "bakit po?" Sigaw ko dito habang naghihikab pa rin.

"Ma'am kanina pa po kayo hinihintay ng bisita niyo." Agad namang kumunot ang noo ko at umupo sa kama.

Sabado ngayon at hindi ko naman mataandaan na may mga bisitang pupunta sa bahay. Siguro ay sina william, keisha at leo iyon dahil hindi ko pa rin sila nakakausap simula kagabi.

Tinignan ko ang itsura ko sa salamin.
Hindi pa pala ako nakakapag palit ng damit na sinuot ko kagabi dahil nakatulog kaagad ako. Tumingin ako sa orasan at nakitang mag aalas-nuwebe na pala ng umaga.

Kumuha ako ng damit at pumasok na ako sa banyo at nagsimula nang maligo.

When i'm already done, i blow dry my hair and did my routines. Pagka tapos ay naglagay ako ng lipgloss at nag spray ng perfume.

Sinarado ko ang pintuan ng kwarto ko at bumaba ng hagdan. Nanlalaki ang mata kong napatingin kay kaizer na prenteng nakaupo sa may sofa sa sala habang may kausap sa cellphone niya.

He's wearing a simple white shirt partnered with jeans and the sunglasses are hanging in his collar, he looks good in his watch too.

"What are you doing here?" Naka kunot noong tanong ko sa kanya ng nakababa na ako ng hagdan. Tinignan niya naman ako at narinig kong nagpaalam na siya sa kausap niya sa cellphone.

"Good morning." He said before he stand up. May kinuha siya sa upuan at binigay ito sa akin.

"I just brought your bag here. I'm going now." Sabi niya at tumingin sa relo na parang nagmamadali.

"H-huh? Aalis ka kaagad?" Napakunot naman ang noo nito at tumango.

"Why don't you eat here first? Nakahanda na rin ata" Sabi ko at agad tinawag ang isang kasambahay

"Nasaan sina mom and dad?" Tanong ko sa kasambahay "Ay ma'am, kanina papo sila umalis. May importante po atang gagawin sa kompanya" Tumango na lang ako at nagpasalamat.

"I can't stay here any longer. I need to go now." Wala rin akong nagawa dahil mukhang nagmamadali talaga siya.

"Oh.. okay hatid na kita sa labas." Sabi ko na hawak pa rin ang bag at nauna nang lumabas sa kanya. Sumunod naman siya sa likod ko.

Nang nasa may labas na kami ng sasakyan niya ay nanatili siyang nakatitig sa akin kaya umiwas na lang ako nang tingin

"Uh.. salamat nga pala sa pag balik ng bag ko" nakangiti kong sabi dito, iniiwasan pa rin ang mga mata niya.

"No worries, ali" sabi nito at umikot na para makapasok sa sasakyan.

Bumusina muna siya ng isang beses bago pinaandar ang sasakyan. Kumaway naman ako dito at hinintay na makalayo bago pumasok sa loob ng bahay.

"Uh.. ate, anong oras po dumating dito si kaizer?" Tanong ko sa isa naming kasambahay na nag-aayos ng pinag inumang juice ni kaizer sa may sala.

Tinignan naman ako nito bago ngumiti "Mga seven po siguro ma'am. Naabutan niya rin po sila madam at sir" Nagulat naman ako sa sinabi nito.

Kanina pa pala siya nandito sa bahay. Siguro ay late na siya sa gagawin niya. Pwede naman niyang iwan nalang dito para makaalis na siya kung may pupuntahan siyang importante at dapat hindi na niya ako hinintay na magising.

Inilapag ko muna ang bag sa sofa at Dumiretso na ako sa kusina para kumain.

Nang matapos na akong kumain ay kinuha kona ang bag at umakyat sa kwarto.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 16, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing dreamsWhere stories live. Discover now