Kabanata 1
Night out
Bata pa lamang ako ay gusto ko na talaga ang pag momodel at ang pagdi-disenyo ng mga damit.
Noong bata pa ako ay lagi kong kalaro si zaireille.. ang pinsan ko, na mahilig rin sa pagmomodelo.
My dad is a bussiness man, and my mom is a business woman. My parents are handling our five star hotels that is scattered in country.
They provide services to our customers, and i must say that our hotels is one of the most trusted hotels worldwide. We also have hotels near beach's and tourist are staying there if they want a comfy hotel to sleep at.
Hindi malaki ang pamilya namin dahil nag-iisa lamang akong anak. Pero malapit naman ang loob ko sa mga pinsan ko lalong lalo na kay zaireille. When i was a child i'm already designing clothes whenever i'm bored. I always bring pen and also paper.
Kinuha ko na ang bag ko nang biglang tumunog ang cellphone ko at nakitang tumatawag ang kaibigan kong si keisha.
"Where are you?!" Pasigaw nitong sabi kaya nilayo ko ang cellphone ko sa aking tenga.
"Wait up ok?! I'm already on my way!" Bumaba na ako at dumiretso na palabas ng bahay dahil wala rin naman sila mommy at daddy rito.
"Palagi nalang mainit 'yang ulo mo, kaya tumatanda kang tignan e." Narinig kong sabi ni william bago sila tumawa ng malakas ni leo.
Narinig ko naman na binulyawan nanaman sila ni keisha kaya binaba kona ang tawag at sumakay na sa taxi na dumaan.
May pasok kami ngayon. Napag usapan naming magkakaibigan na magkikita kami ngayon bago pumasok.
I and keisha are in senior highschool meanwhile william and leo are already 1st year college. Ito na ang last sem namin ni keisha at pagkatapos nito ay college na kami. I will stay at my own condo once i graduate in senior high. Ayan ang sabi sa akin nila mom and dad.
Mayro'n na talaga akong sariling condo pero hindi pa ako pinapayagan nila mom na mag-separate hangga't hindi pa ako nagcocollege.
"Manong, diyan na lang po sa tabi" inihinto na ng driver ang taxi sa tapat ng starbucks malapit sa aming eskwelahan.
Binigay ko ang bayad ko at bumaba at dumiretso sa loob ng starbucks. Pag pasok ko palang ay nakita ko na agad ang mga kaibigan ko. Halatang inaasar nanaman nila si keisha na ngayon ay pinagbabatukan ang dalawang lalaki, napailing na lamang ako.
"Oh! ayan na pala si alliana." Sabi ni leo.
Umupo ako sa tabi ni leo at nilapag ang bag ko. "Wow! Mabuti naman at dumating kana! Anong oras na ha." sabi ni keisha at inikot ang mata.
"Traffic kaya!" Depensa ko.
"Um-order na tayo! Alliana, dahil late ka ilibre mo ako." Sabi ni william at tinataas baba ang kanyang mga kilay na ikinataas ng kilay ko. Binatukan naman siya ni keisha "Kapal naman ng mukha mong mag-palibre kay alliana ano ka chiks." Sabi ni keisha na ikina- ngiwi ni william.
Natawa na lang ako sa kanila at um-order na.
"Let's jam later! Pagka tapos ng class!" Suggest ni keisha habang nakangisi. Halatang excited.
Umiling agad ako "I can't. I'm busy"
"Alliana ano ba! Minsan na lang kaya tayo mag night out! Ngayon lang ulit!"
"Asus! Gusto mo lang mang-hunt ng mga gwapo e." nakangusong sabi ni william. Tumawa naman si leo at binatukan sa ulo si william.
"Tanga! hindi bagay sayo ngumuso mukha kang unggoy!" Natawa naman kami sa sinabi ni leo na ikina-simangot lalo ni william.
"So... Settled na later ha! After class." Wala na akong nagawa at tumango na lang rin.
Nang malapit nang magsimula ang klase namin ay umalis na rin kami. Ihahatid na raw kami nina william at leo dahil mamaya pa magsisimula ang klase nila.
Magkasabay sina keisha at william. Kasabay ko naman si leo papunta sa first class ko.
"I will fetch you later. Sabay na tayo pumunta" Sabi ni william at inakbay sa balikat ko ang kanyang mga braso.
"Huwag na. Mag papahatid na lang ako sa driver namin"
Ngumiwi naman ito at tinanggal na ang braso niya nang malapit na kami sa class.
"Eh basta! Susunduin na lang kita" natatawang sabi nito at napailing na lamang ako. "Oh sige na!" Sabi ko at nagsimula na rin itong maglakad palayo, kaya pumasok na rin ako sa classroom.
Nang matapos ang klase ay nagtext na sa amin si keisha.
Keisha:
Hoy! Meet na lang tayo mamaya ha! Ang hindi pumunta, magkakapimples sa pwet!
Natawa na lang ako sa sinabi nito at naglakad na papalabas sa eskwelahan.
Marami pa ring mga estudyante ang naglalakad at pauwi na rin.Tinignan ko ang relo ko at nakitang magaala-sais na rin ng gabi.
Inilabas ko ang twix na nasa loob ng bag ko at sinumulan itong kainin.
Kanina habang may klase ako ay nagtext si leo na itext ko nalang raw siya kung tapos na ako mag-ayos para pumunta at masundo na niya ako sa bahay.
Apat kaming magkakaibigan. Ang kursong kinuha ni leo sa kolehiyo ay pag do-doktor at si william naman ay engineering. Ang kursong kukuhanin ni keisha sa kolehiyo ay architecture.
Pinara ko na ang taxi na dumaan at sinabi ang adress ng bahay namin.
Junior high pa lamang kami ay mag- kakaibigan na kami. Mas lalo lamang kaming naging malapit sa isa't isa nang mag senior high na kami ni keisha at nasa kolehiyo na sina leo at william.
Nang makarating ako sa bahay ay naabutan ko sina mom and dad.
"Ali!" Tawag ni mommy at niyakap ako, i hug her back. "Hey, mom"
Bumitaw na sa pagkakayakap sa akin si mom kaya't lumapit rin ako para yakapin si dad.
"Ali, go change your clothes kakain na tayo" Nakangiting sabi ni mom at naglakad na papuntang sala.
Agad ko naman itong pinigilan "Ay! Mom! I forgot to tell you. Nagkayayaan po kasi kami nila keisha ngayong gabi" Napa kamot ulo kong sabi.
Nakita ko namang kumunot ang noo ni dad "Sino kasama ninyo?" Inayos ko ang pagkakasabit ng bag ko "Kami kami lang po nila keisha, leo at william" Nakangiti kong sabi..
Huminga muna ito ng malalim at tumango. I smile at tumakbo papunta sa kwarto para makapag-ayos na nang sarili.
----
Hi!! It's better if you leave a comment po!! Hehe thank you! Lovelots! :)
