Kabanata 2
Magna-nine thirty na pero wala pa rin si leo. Kanina pa ako nagtext sa kanya na tapos na ako pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagrereply.
Walang hiyang leo to! Scammer talaga 'tong lalaking ito eh! Mukhang hindi pa ako nito susunduin ah, Dapat talaga nagtaxi na lang ako.
Kumunot ang noo ni mommy ng maabutang nakaupo pa rin ako sa sala. "Oh? Akala ko ba ay aalis ka?"
"Yes mom, i'm just waiting for leo. Ang sabi niya po kasi ay susunduin niya ako" naiinis kong sabi.
Tumango lang ito at dumiretso na sa kusina para uminom ata ng tubig.
Tatayo na sana ako para magtaxi nalang nang may narinig akong busina sa labas.
Kinuha ko ang purse ko at nagpaalam kay mommy bago tumakbo papunta sa gate. Napakunot ang noo ko nang naabutan kong nakasilip si william sa bintana ng sasakyan niya.
"Oh? Anong ginagawa mo dito? Asan yung leon na yon?" Naiinis kong sabi.
Tumawa naman si william at bumaba ng kotse bago ako pagbuksan "chill! Sorry na. Ako kasi nagsabi kay leo na ako na susundo sayo kaso ang tagal bago ko napilit e ayun tuloy anong oras na." Agad ko itong nilapitan para batukan.
Ang walang hiyang 'to! Siya pala ang may kasalanan. Kanina pa ako naghihintay dito at halos lamukin na ako wala pa rin, ayun pala ay sinabutahe ng isang ito.
"Alam mo. Nangigigil ako sainyo e." Tumawa nalang ito at pumasok na ako sa sasakyan. Sinarado niya ang pinto at umikot para makapasok sa driver seat.
"Nasaan pala si keisha? Nandoon naba siya?" Tanong ko kay william na ngayon ay nakatitig sa daan.
Sinulyapan niya muna ako nang isang beses bago napakamot ng ulo. Seriously, hobby niya na 'yan.
"Hehe 'yun nga eh. Ako dapat ang magsusundo sa kanya kaso nalaman ko na si leo ang magsusundo sa'yo kaya sabi ko palit kami" Napa iling na lamang ako sa sinabi nito "lagot ka nanaman doon william." Tawa ko dito.
"Baka mag-away lang kami no'n sa daan at baka mabangga pa kami, amazona pa naman 'yon! Mas mabuti na ang ginawa ko." Tumawa na lang ako sa sinabi nito.
Sabagay, may point naman siya. Siguradong pag nagsama ang dalawang yon ay gulo agad ang mangyayari. Pareho pa naman silang maingay at akala mo'y may galit sa isa't isa.
Nang nasa parking lot na kami ay rinig ko na kaagad ang ingay ng mga music galing sa loob.
Bumaba na kami ni william at naglakad na papasok.
I'm wearing a bodycon dress with my heels and also a clutch purse. Ngayon pa lang ay nagsisisi na ako na hindi manlang ako nagdala ng jacket o kahit anong pwedeng ipangtapal sa balikat ko dahil sa lamig.
"Hoy william. Baka hindi ako papasukin. Hindi pa ako eighteen" nilingon naman ako nito at inakbay ang kaliwang kamay sa balikat ko.
"Wala ka bang tiwala sakin? Tsk, i'm not william scorsone for nothing" nakangising sabi nito at tinataas baba pa ang kilay.
Agad ko namang tinanggal ang pagkaka-akbay niya sa akin at binatukan ito sa ulo. Walang hiya talaga 'tong lalaking 'to! Napaka laki ng ulo!
"Ay nako tumigil tigil ka diyan willie ha!" Agad naman itong ngumiwi. "Willie?! William ok? William!" Hindi kona ito pinansin at sumunod na lang sa kanya pagpasok.
"Ma'am can i check your i.d please." Sabi nang isang bouncer sa akin. Agad naman akong dumikit kay william at hinawakan ang damit nito.
"She's with me" Sabi ni william bago tanguan ang bouncer. Pinapasok na kami ng bouncer at narinig ko kaagad ang ingay sa loob at nakita ang mga tao.
