Chapter13

238 8 0
                                    


Chapter 13.

-

Mukha namang gulat na gulat yung driver. Leche din 'tong isa e. Nawala tuloy bigla takot ko.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sinasamahan ka." Tapos sinara nya na yung pinto. Ewan ko ba. Yung kaba ko, biglang nawala.

"Kasama nyo po ma'am?" Tanong ng driver.

"KUYA KIDN-" Tinakpan nya bibig ko.

"Im with her. Boyfriend nya ko."

Nagulat ako ng hawakan nya yung kamay ko.

Boyfriend ko sya?

Boyfriend? AS IN? WTF?

Agad kong binitawan yung pagkakahawak nya.

"Ano ba?!" Sigaw ko.

"Nako! LQ aa." Pesteng driver naman, oo.

"Naghahanap lang po yan ng lambing. Sige na po." Nagsimula namang magmaneho na yung driver.

Hindi ba sya nandidiri sa sinasabi nya? Kasi akong diring diri na. Ewwww. Ekk. Masusuka nako. Nyemas.

"Anong kagaguhan 'to?" Bulong ko.

"Chill. Im your bae today." Mas nandiri ako ng ihiga nya ang ulo nya sa balikat ko. EWWW. KADIRI.

"Tangina mo!" Sabay hampas ko sa ulo nito.

"FVCK! STOP IT."

"Kalma lang hija at hijo. " LECHENG DRIVER. NAKIKIELAM!

Sa buong byahe, hindi ako mapakali dahil hawak nya talaga ang kamay ko at mahimbing na natutulog sa balikat ko. Bat di ko tanggalin? MAHIGPIT. MAHIGPIT ANG HAWAK NYA. MAGKUKULAY VIOLET NA ATA TONG KAMAY KO E.

Diring diri ako grabe. Pero thankful ako sakanya dahil kahit papaano e, gumaan ang nararamdaman ko. Nawala yung kaba ko.

"Matagal na kayo, ano?!" Nagulat ako sa biglang tanong ng driver. Makikisakay ba din ako? Nyeta naman ooh.

"O-opo." Shet.

"Years? Months?"

"Aa-" sasagot na sana ako nang sumagot yung asong ul-tulog.

"2 years." ABA P*TA! TWO YEARS? NI HINDI KO PA NGA ATA KILALA SYA NUN EH!

Kinurot ko ito sa tagiliran ng pasimple gamit yung isa kong kamay na di nya hawak. Halata namang namimilipit sakit yung aso ko.

"Fvck! Nyeta, Lesha. Mamaya ka sakin." Bulong nito nang nangigigil.

"Matagal na rin pala.. pero wag nyong pababayaan pag aaral nyo aa?"

"OH SHT." Nahampas ko ng malakas si Darryl.

"ARAY! "

"MAGREREVIEW PA KOOO!"

"Bababa na po kami. Eto ooh." Sabay abot nito ng 500. "Keep the change po." Tapos bigla nya akong kinaladkad palabas.

Pede bang balikan yung sukli ng 500? Akin nalang. Marami akong foods na mabibili dun, gutom na rin ako.

"San mo ba ako dadalhin? Wala pa tayo sa bahay nyo!"

"Nakakainis ka kasi."

Inunahan nya ako sa paglalakad. Ako pa? Ako pa ang nakakainis? Waw.

"Uwi na tayo. Magaaral pa ko." Hindi nya ako kinibo at nagpatuloy sa paglalakad.

"Uuuy. Gutom na rin ako." Wala pa rin. Aba suplado! pisti.

"Sir!" YAAAK! FIRST TIME TO.

Hindi nya pa din ako nililingon at nagpatuloy sa paglalakad. Inaasar talaga ako netong ulol na to e. Huminto ako sa paglalakad at kinuha ang sapatos ko tsaka ko binato sakanya at SAKTO. OMG TUMAMA SA ULO NYA. YEES KARMA!

Pero siguro dapat di ko ginawa yun kasi feeling ko lumabas yung buntot at sungay nya. Huminto sya sa paglalakad at kinuha ang sapatos ko.

Wag sana nyang itapon yooon! nakakahiyang maglakad ng isa lang ang sapatos. nyeta.

Unti-unti syang humarap sakin. tatakbo ako.. tatakbo..tama!

1.. 2.. 3!

"ALLESHAAAAA!"

-

"Aray!"

"Tatakbo ka na nga lang, lampa ka pa."

"Kasi naman."

"Anong 'kasi-kasi' naman? Its your fault. "

NAKAKAINIS SYA. GRABE. Pede bang kung labag sa kalooban nyang hilutin yung paa ko, wag nalang? haaays! nakakainis. nyemas

"Oh ano, okay na ba yung paa nya?" biglang pumasok si Manang Gina.

"Okay na. lalampa lampa kasi e."

"nyenyenye" bulong ko. ang sarap nyang sipain sa mukha.

"Aarte ka pa? tanga kasi." Sasakto na sana sa mukha nya yung paa ko kaso tumayo sya at lumabas. Nilakihan naman ako ng mata ni Manang Gina, nakita kasi. sus

Kinuha ko ang bag ko at nilabas lahat ng laman nito. Jusq 4:30 pm na may marereview pa ba ako neto? haaays bahala na nga.

Nagsimula nakong magbasa at gumawa ng reviewer ng may pumasok.

"Ano na naman?"

May inabot sya saking file case at tinanguan ako.

"Galingan ha?" nagulat ako ng kumindat sya.

OH MY GHAD. KADIRI TALAGA. EW

Sisigawan ko sana sya kaso nakalabas na pala. Haaaaaish! Epal. Nilabas ko ang laman ng file case at nagulat ako. OMG. Puro reviewer sa iba't ibang subject. seryoso ba to? ginawan nya ako? Omg.

After 2 and a half hours, pumasok si Manang Gina.

"Magdinner ka na muna." niligpit ko ang mga kalat ko.

"Manang, Si Darryl ba nagpadala nyan? Sya ba gumawa ng mga reviewer?"

"Wag oa ha? pero.. " Hindi sya nagsalita a tumango lang. DEAR LORD, THANK YOU AT BUMAIT NA PO SYA. THANKYOU. MALAKING BAGAY YON SAKIN. THANKYOU PO TALAGA.

Niligpit ko ang gamit ko at lumabas ng guest room, pumunta ako sa kwarto nya at nakita kong bising busy sa kanonood.

papasok sana ako kaso, bigla akong kinabahan. Aish! Wag na nga lang. Saka na ako magte-thank you. Tumakbo ako palabas ng bahay nila at umuwi na kahit na ang alam ko eh, dapat stay-in ako ngayon.

**

AYO! YEEEES! KINGS ARE BAAAACK, GUYS. NAKAKATUWA NA NAKAKAIYAK. OKE. Bye! Happy 1+K reads. Katuwa. :') onting push pa, 2K na. Wieee.Walang kinalaman yung video dito, ha? Hahaha comeback feels~ COMMENT & VOTE KAYO HA? :)

Falling in Love [G-Dragon x Sandara]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon