Chapter 19

152 8 2
                                    

Chapter 19.

Allesha's POV

Christmas break!!! Lahat ng mga kaklase ko nagsigawan ng madismiss ang klase. Yes, makakapagpahinga na rin!!

"Allesha," Biglang sumulpot si Hanna sa tabi ko. Ngumiti siya at hindi makatingin sakin ng diretso. I know her. May sasabihin 'to.

"Go ahead. Ano ba yon? Sasagutin ko."

"Hm... kamusta na kayo ng daddy mo?" Napayuko siya bigla. Ang awkward ba para tanungin yon? Napangiti ako. Ang cute lang ni Hanna.

"Ok naman. Gusto ako kunin ni dad kaso ayaw ni Tita Dina."

"Paano na si Stephen?" Natigil ako sandali. Parang ngayon lang siya pumasok sa isip ko. Hindi pa kami nakakapagusap ng... kapatid ko.

"Di pa kami nakakapagus--"

"May I borrow her?"

"S... sige."

Speaking of, bigla niya akong inakbayan at inilayo kay Hanna. Anong problema ng isang to? Kelangan may ganong portion? Aba tragis ah, baka ikamatay ko kung lagi niya akong kakaladkarin habang nakaakbay.

Umupo kami sa bench na katapat ay school field. Nasa magkabilang dulo kami non. Para kaming magshota na naghiwalay at nagkakaroon ng usapang masinsinan pakshet ano ba yan.

"Tanggap mo ba ako?" Muntik ko na siyang mahampas at matawa ng malakas kaso hindi pala to joke, seryoso to. Para naman kasing may inamin siya na hindi katanggap tanggap ano ba yan jusme joke time.

"O... ok lang naman sakin 'yon. "

"Hindi ka galit?"

"Galit ako, syempre. Ikaw ang dahil-- hindi. I mean, um, wala. Basta." Pakshet muntikan ko ng masabi ang hindi dapaaat!!

"Sabihin mo na, tatanggapin ko. "

Ito ba ang Stephen na nakilala ko? Kayang tanggapin lahat ng masasakit na salita? Hindi lalaban? O baka hindi ko pa siya ganon kakilala.

"Nung una, oo galit ako. Nandahil sa'yo nagkahiwalay si mom and dad. Diba? Kung hindi naman malalaman ni mom yon, siguro di 'yon mangyayari. Kung di ka lumabas, walang gulo. Kaso nabuo ka, pasaway ka nagpalabas ka pa. Ayun tuloy. Kaso nung nalaman kong ikaw ang kapatid ko, hindi ako nakaramdam ng galit. Hindi ko alam kung bakit parang ok lang ang lahat sakin. Siguro kasi kilala kita at alam kong mabuti kang tao. Inalagaan mo ako kahit hindi ko alam na kapatid kita. "

"Thank You, Allesha."

"Matagal na kasi akong naghihintay. Naghihintay sa taong nandyan para ipagtanggol ako pag may umaapi sakin. Naghihintay na iparamdam ang isang pamilya kahit kulang. Naghihintay na may mapagsumbungan kapag may umaway o may makakwentuhan. Naghihintay na may susuporta sakin sa mga ginagawa ko sa buhay. Alam kong nandyan si Tita pero naghahanap pa rin ako eh. Hindi ako kuntento. Ewan ko ba sa'yo. Nakakainis ka. Bakit late kang dumating?"

Madrama na kung madrama pero naiiyak ako. Hindi ko mapigilan ang luha ko nakakainis ayoko pa namang umiiyak sa harap ng ibang tao. Ang kaso Lesha, hindi ibang tao ang nasa harap mo. Kapatid mo siya kaya ilabas mo lang lahat ng gusto mong sabihin.

"I'm sorry kung late ako. Sorry kung pinaghintay kita ng matagal. Allesha, naandito na ako, may magtatanggol na sayo. May masasandalan ka na. Naandito na kami dad. At hindi ka namin hahayaang masaktan. "

Napahagulgol ako. Ugh it's so childish, really. But who cares? Matagal ko na 'tong dala at ngayon sa sobrang bigat hindi ko na kaya. Tama lang 'to. Niyakap ako ni Stephen ng mahigpit. It is an unforgettable day for the both of us.

Falling in Love [G-Dragon x Sandara]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon