30. The Bottom Line

65 19 189
                                    

Cara

"Hindi ka pa rin nagbabago, Cara. Mahilig ka pa rin sa mga libro."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses. Nanlaki ang aking mga mata nang makilala ko ang taong nasa harapan ko ngayon. Sandali kong tinitigan ang taong kaharap ko.

"Ms. Trina?"

"Ako nga, Cara."

Niyakap ko siya nang mahigpit. Hindi ko siya nakilala agad dahil pure black at straight na ang kanyang buhok at nagkaroon na rin ng kaunting linya sa gilid ng kanyang mga mata.

Nandito ako ngayon sa bookstore dahil naghahanap ako ng maaari kong gamiting reference para sa isa kong subject.

"Maaari ba kitang yayaing magkape, Cara?"

Napalawak ang ngiti sa mukha ko.

"Oo naman po."

💌

"Masaya ako para sa 'yo, Cara. Ilang hakbang na lang at malapit ka nang mag-graduate."

Hinawakan niya ang kamay ko at ramdam ko ang galak sa kanyang boses. Kasalukuyan kaming narito sa Lava Cafe at nilibre ako ni Ms. Trina ng cappuccino. Mag-iisang oras na kami rito at kinakamusta niya ang pag-aaral ko.

"Oo nga po. Pagbubutihin ko para maibalik ko ang kabaitan ng pamilyang nag-ampon sa akin."

"Napakabait mo talaga." Isang matamis na ngiti ang muli niyang pinakawalan.

"Bakit po pala kayo nandito sa Manila?"

Humigop siya sa kanyang mainit na kape. "Dito na ako nakapag-asawa. Mayro'n kaming automotive repair shop." Hindi na siya nakakatakot tingnan. Ang kanyang mga kilay ay hindi na nakakurbang pataas.

"Talaga po? Congratulations po."

Muli siyang napangiti habang umiinom. Ang ganda niya lalo pag nakangiti. Mukhang masaya siya sa buhay niya ngayon.

"Kaya ikaw, huwag mo na akong tawaging Miss kasi may asawa na ako. Ayoko namang magmukhang sobrang tanda kaya ate na lang ang itawag mo sa akin," nakangisi niyang pagkasabi.

"Okay po, Ate."

Isang munting tawa ang lumabas sa bibig niya. Ang bilis ng panahon. Parang kailan lang ay sa library kami nag-uusap.

"Ate, p'wede po ba akong magtanong?"

"Ano 'yon, Cara?"

Pinagdikit ko ang dalawang palad ko sa ilalim ng table.

"Matagal ko na po itong gustong tanungin, pero hindi ko na po kayo nakita noon. May natatanggap po kasi akong sulat noong high school ako at kilala ko na po kung sino siya."

Nakita kong naging seryoso ang mukha niya. Hindi nakalampas sa mga mata ko ang paglaki ng mga mata niya na agad niyang tinago sa pamamagitan ng pagtingin niya sa bintana. Muli siyang napatingin sa 'kin.

"Nagtanong ako sa inyo noon kung may nagagawing lalaki sa hilera kung saan ako laging pumwepwesto sa library at nasabi n'yo po na isang maputing lalaki ang pumupunta tuwing umaga. Sa tingin ko ay may alam kayo tungkol sa nakaraan."

Nakita ko ang kanyang munting pagbuntonghininga.

Inilapit niya ang kanyang sarili sa lamesa at tiningnan ako na may hiya sa kaniyang mga mata. Tipid siyang ngumiti at napatingin sa iniinom ko na nakalapag sa lamesa. Bumuka ang bibig niya subalit muli itong sumara. Napakagat siya sa kanyang ibabang labi.

"Kilala ko siya. Sorry kung hindi ko sinabi sa 'yo na ang President ng Student Council ang nagpupunta tuwing umaga at hindi ang maputing lalaki. Sinabihan ako ni Nero na sa oras na magtanong ka ay sabihin kong isang maputing lalaki ang nagbibigay sa 'yo ng sulat. Sorry talaga, Cara. Naikuwento niya kasi sa akin ang tungkol sa buhay mo kaya itinago ko sa 'yo ang katotohanan," mabilis niyang sabi na halos muntik nang 'di ko masundan ang tinutukoy niya.

My Dearest, CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon