31. Love Conquers All

78 19 187
                                    

Cara

"Gusto mo bang kumain?"

Umiling ako. Hindi na yata ako nakararamdam ng gutom.

"Ihahatid na kita pauwi. Sorry kung 'di kita nadadalaw nang madalas."

Hindi pa rin ako nagsasalita. Diretso lamang ang aking paningin sa papalubog na araw. Hindi ko alam kung ano'ng nararamdaman ko. Hindi sa wala akong gana na kausapin siya. Magkahalong awa at lungkot ang nararamdaman ko.

"Cara . . ."

Nakaupo kami sa upuang gawa sa kahoy. Si Kuya Neil ay naghihintay sa kanyang kotse.

"Sorry, itinago ko sa 'yo ang bagay na 'to." Napayuko ang ulo niya. Madilim man ang paligid ay kitang-kita pa rin ang matulis, pero nakahubog niyang baba.

Hindi ko pa rin magawang magsalita. Sa bilis ng mga pangyayari ay nalunok ko na ang dila ko. Ano ba ang dapat kong sabihin?

"Cara, hindi ko kayang malayo sa 'yo."

Napatingin ako sa kanya at nagkasalubong ang aming mga mata. "Pa'no ang pag-aaral mo? Ang samahan n'yo ng mga magulang mo?"

Sa wakas ay nahanap ko rin ang boses ko.

Napatingin siya sa malayo. "Nagsusumikap ako." Napayuko ang kanyang ulo. "Hindi ko rin akalaing itatakwil nila ako. Masakit ang nararamdaman ko. Bakit may mga gano'ng klase ng magulang? Kung mananatili ako sa puder nila ay para ko na ring ikinulong ang sarili ko. Hindi dapat gano'n ang mga magulang. Maaari nilang pakialaman ang desisyon ko, pero sana ay marunong din silang rumespeto sa gusto ko. Kung sumunod ako sa gusto nila ay para ko na ring sinang-ayunan ang baluktot nilang pag-iisip."

Napatingin siya sa akin. Namumuo ang mga munting luha sa mga mata niya. "Para ko na ring tinanggalan ng karapatan ang sarili ko na maging masaya."

Muli akong natahimik. Ano ba ang dapat kong sabihin?

"Malaya na tayo ngayon. P'wede na tayong bumuo ng mga ala-ala. Pagsusumikapan kong makatapos sa abot ng aking makakaya." Hinawakan niya ang palad ko. Kay tigas na ng kamay niya kumpara noon, pero ramdam ko ang init ng pagmamahal niya sa simpleng paghawak sa 'kin.

"You are my everything, Cara."

Tumulo ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. "Pero, hindi mo dapat sinusuway ang mga magulang mo. Kadugo mo sila, Nero."

Sandaling tumagal ang kanyang pagtitig sa akin saka muling nagsalita.

"Mali sila. Karapatan kong mag-aral. They shouldn't have used it to blackmail me. Besides, our relationship is something I won't give up easily."

Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang kaliwang kamay ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.
"'Wag mo 'kong sukuan, please."

Pinunasan niya ang aking mga luha gamit ang kanyang mga daliri.

"Kakayanin natin ito, Cara. Pangako."

💌

"So, ano'ng plan mo ngayon?" tanong ni Clarisse habang naglalagay ng nail polish sa kanyang mga kuko. Makikitulog siya ngayon sa apartment dahil umiiwas siya sa sermon ng daddy niya. Nagagalit ang daddy niya dahil parang hindi seryoso si Clarisse sa kanyang pag-aaral.

"Susuportahan ko si Nero. Pakiramdam ko ay wala akong magawa." Nakasandal lang ako sa sofa. Namamaga na ang aking mga mata sa sobrang pag-iyak. Mabuti at tumigil din ang mga ito.

"Girls."

Dumating si Noah dala ang isang box ng pizza at tatlong lata ng softdrinks.

"Ang tagal mo. Sana nagpa-deliver na lang kami," puna ni Clarisse. Umupo si Noah sa pang-isahang upuan at tinanggal ang tali ng box.

My Dearest, CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon