17. Bare your Heart

86 21 196
                                    

Cara

"Cara."

"Kuya Neil," bati ko sa kanya. Si Kuya Neil ang nakatatandang kapatid ni Nero na nag-aaral sa Manila.

"Kumusta ka na?"

Napangiti na lang ako. Hindi ko akalaing papansinin niya ako. Pareho sila ng ugali ni Nero, parehong tahimik. Noong mga bata kami ay palagi lamang silang nagbabasa ng libro sa kanilang kani-kaniyang silid.

"Maayos naman ako, Kuya."

Ngumiti siya, pero hindi lumalabas ang ngipin niya. Tulad ni Nero ay matipuno rin ang kanyang kuya. Namana nila ang kanilang matatangos na ilong at mapupungay na mga mata mula sa kanilang tatay. Ang kanilang natural na kakisigan ang nakapagbibigay sa kanila ng malamig na aura na siyang dahilan kung bakit marami ang nahuhumaling sa kanilang magkapatid. Malaki ang katawan niya. Narinig ko noon na mula noong nag-college siya ay pumupunta na rin siya sa gym. Mukhang mahilig pa rin siya sa color gray na damit. 'Yon kasi 'yong madalas niyang suot. Naka-polo shirt siya ngayon at denim pants.

"I'm happy for you, Cara. Ako na ang humihingi ng tawad sa lahat ng nagawa sa 'yo ni mama." Nakatitig pa rin siya sa akin.

"Maraming salamat din, Kuya sa pagpapatuloy ninyo sa akin sa bahay n'yo. Wala akong galit sa inyo, ang totoo niyan ay malaki ang pasasalamat ko sa inyo. Kung wala kayo, malamang nakuha na ako ng DSWD."

Muli siyang napangiti at nakalabas na ang kaniyang mga mapuputing ngipin. "Napakabait mo, Cara. Sana magkita tayong muli. Balita ko—sa Manila ka na mag-aaral?"

Napakunot ang noo ko.

"Oo, Kuya. Pa'no mo nalaman?"

"Kay Nero," kaswal niyang sagot. "Kung may oras ka, p'wede mo 'kong tawagan at kung may problema ka, matutulungan kita."

Saan kaya sila nagmanang magkapatid at 'di nila kaugali si Tita Alma?

"Salamat, Kuya."

Paano nalaman ni Nero na sa Manila na ako mag-aaral? Narinig niya kaya kami ni Wink?

"Congratulations, Cara. Sige na, pumunta ka na sa upuan mo. Hanggang sa huli nating pagkikita."

Napatango ako. "Salamat, Kuya."

💌

Inilibot ko ang paningin ko habang isa-isa kong hinahaplos ang mga libro sa bawat hilera. Nalulungkot akong iwan ang lugar na ito dahil dito ako nakaranas ng kapayapaan at kasiyahan.

Nagpaalam muna ako kay Tita Nora na may dadaanan lang ako sa library. Sa susunod na linggo na ang alis namin ni Noah. Hindi ko yata kayang iwan ang lugar na ito. Dito ako natuto ng iba't ibang bagay bukod sa mga natutunan ko sa loob ng classroom. Pakiramdam ko ay isa itong airplane na dinala ako sa iba't ibang lugar sa pamamagitan ng mga libro. Nagkaroon ako ng pamilya at mga kaibigan. Napatingin ako sa hilera ng mga nobela. Dito ako unang kinilig dahil sa mga lalaki sa kuwento.

Napahinto ako sa tapat ng paborito kong libro. 'The Alchemist' by Paulo Coelho. Nanlambot ang aking mga tuhod. Isa lang ang pumasok sa isipan ko.

Solis Occasum.

Gusto ko siyang ibaon sa limot, pero patuloy siyang hinuhukay ng aking puso. Tama si Kevin, hindi ako natakot na baka stalker ko siya dahil naramdaman kong may parte siya sa puso ko na hindi ko maipaliwanag. At nang malaman ko kung sino talaga siya ay sumaya ako kasi may gusto rin siya sa akin.

Muli akong naglakad at nagtungo sa lamesa kung saan ko hilig pumwesto. "Ang lugar na ito . . ." sambit ko sa sarili ko.

". . . ay ang paborito mong lugar."

My Dearest, CaraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon