CHAPTER 03

9K 286 33
                                    

CHAPTER THREE

ASTON'S POV

DAHIL sa talagang narindi na ako sa pagmamayabangan nina Mommy Ade at Tita Purisima habang nagtatanghalian kami ay tinapos ko na agad ang aking pagkain. Maling desisyon talaga ang sumama ako dito.

"Mommy Ade, Tita Purisima, excuse lang po, ha. Pwede ko bang libutin itong bahay?" tanong ko habang nakatingin ako kay Tita Purisima.

"Oo naman, Aston! Walang problema. Ingat lang at baka maligaw ka sa bahay ko. Masyado kasing malaki!" At sinundan iyon ni Tita Purisima ng isang mataginting na halakhak.

"Naku, Purisima, 'wag kang mag-alala diyan kay Aston. Sanay 'yan sa malaking bahay dahil ang bahay namin ay mas malaki dito. Hindi siya naliligaw!" singit naman ni Mommy Ade.

"Sige po." Tumayo na ako para umalis.

Mabuti naman at hindi ko na maririnig ang simpleng pagpapatalbugan nila.

Nakakailang hakbang pa lang ako palayo sa kanila nang bigla akong tawagin ni Tita Purisima. "Ah, Aston. Sandali lang..." anito.

"Bakit po?"

"'Wag kang pupunta sa basement, okey?"

"Bakit po?"

"Basta..."

Kumibit-balikat na lang ako. "Sige po." At lumayo na nga ako sa kanila.

Una akong pumunta sa second floor. Medyo nagkainteres kasi ako sa design ng bahay ni Tita Purisima. Parang lumang bahay noong panahon ng mga Espanyol pero sinamahan ng modern design kaya talagang humanga ako. Wala namang masyadong kakaiba sa second floor kaya bumaba na rin ako. Nagpunta naman ako sa salas na parang ang pinaka malaking parte ng bahay. Hanggang sa isang maliit na pintuan ang aking nakita na nasa ilalim ng hagdan.

Iyon kaya 'yong pintuan papunta sa basement? Tanong ko sa aking sarili.

Pero bakit nga kaya ako hindi doon pinapapunta ni Tita Purisima? Meron ba siyang ayaw ipakita sa akin? Ano naman kaya iyon?

Sa oras na iyon ay bigla na akong kinulit ng aking curiosity. Hindi naman siguro nila ako mahuhuli kung pupunta man ako doon sa basement. Sigurado naman ako na busy ang dalawang iyon sa pagpapayabangan sa kung anu-anong bagay. Saka hindi talaga ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung ano ang meron sa basement.

Inihakbang ko na ang aking paa palapit sa maliit na pinto. Inikot ko ang door knob. Jackpot! Hindi naka-lock! At dahan-dahan kong binuksan ang pintuan na iyon.

-----***-----

DIAMANTINA'S POV

"AHHH!!! Sino kaaa???!!!"

Malakas kong sigaw nang may makita akong lalaki paggising ko. Nakatayo siya sa paanan ng kama sa basement at parang pinagmamasdan niya ako kanina pa habang ako ay natutulog. Diyos ko! At ang tingin niya ay parang may... pagnanasa! Tama! Pinagnanasaan ako ng gwapo kahit hindi machong lalaking ito.

"Sino ka sabi, manyak?!" sabay dampot ko ng unan at bato sa kanya. Hindi ko siya nasapulan dahil nasambot niya ang unan.

"Manyak? Hindi ako manyak, ha! Saka, ano naman ang magiging dahilan para maging manyak ako?" Natatawang pagtatanggol ng lalaki sa sarili.

"At bakit, hindi ba at kanina mo pa ako tinitingnan ang aking katawan habang natutulog ako?! Manyak! Siguro, kung hindi pa ako nagising ay baka ginahasa mo na akong hayop ka!" medyo naghihisterikal na ako.

"Excuse me, hindi ako pumapatol sa bakla!"

Biglang nagpanting ang tenga ko sa sinabi niya. Tinawag niya akong bakla! Paano niya nasabi iyon? Ang bastos-bastos naman niya!

Ang Tangeng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon