CHAPTER 05
-DIAMANTINA'S POV-
"HUWAAAT?! Gagawin niyo akong parang paanakang baboy?" Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na sigaw ko kina Kiko at Theo. "No! Ayoko! Hindi!" kuntodo iling pa ako sabay kain ng sardinas.
Bumuntung-hininga si Kiko. "Dimantina, hindi pa naman sure. Iyon lang naman ay kung ikaw na nga lang ang nag-iisang babae dito sa Earth."
Nangalumbaba ako. Kunwari malungkot. Nakakaloka naman kasi itong si Kiko, biruin mo, ang sabi niya sa akin kanina ay baka ako na lang ako ang natatanging babae dito sa mundo. Kung ganoon daw ay dapat kaming magparami. As in, willing siyang buntisin ako at anakan nang anakan para dumami ulit ang tao. Ghaaad! Slight kinilig naman ako pero siyempre, dapat pabebe muna ako, 'no!
Kunwari ayaw ko.
Kunwari tutol ako.
Masisisi niyo ba ako kung kiligin ako? Eh, for the first time in forever ay ngayon lang may lalaking nagsabi sa akin na gusto niya akong anakan.
"Pero masyadong malaki ang Earth. Hindi niyo ba naisip na baka may iba pang survivors sa ibang bansa?" sabat naman ni Aston.
Lihim akong napasimangot sa pag-epal ni Aston. Naku!!! Ang lalaking ito talaga ay isang malaking BASAG TRIP! Palagi na lang binabasag ang kasiyahan ko kahit kakakilala pa lang namin!
Hmp! Sigurado naman ako na sa akin din ang bagsak mo, Aston. Magkakandarapa ka rin sa akin at maglalaway dahil ako na lang ang only girl in this world. Bwahahaha!
Tumikhim ako. "Malay mo naman, ako na nga lang ang nag-iisang babae. Grabe kaya 'yong asteroid."
"At bakit parang gusto mo yata na ikaw na lang talaga ang nag-iisang babae, ha?"
"Wala akong sinabing ganoon, Aston. 'Wag ka ngang ano diyan!"
"Tama si Diamantina," ani Theo. "Malaki talaga iyong asteroid na bumagsak dito sa Earth. Ang akala kasi ng mga tao ay joke lang ang babala sa balita kaya hindi tayo nakapaghanda."
"And ang gagawin namin ngayon ni Theo ay magpalipat-lipat ng lugar para malaman namin kung may iba pa bang taong nakaligtas dito sa Pilipinas."
Tumayo na sina Kiko at Theo mula sa pagkakasalampak sa sahig. Naku, parang papaalis na sila! No! Ayokong maiwan na naman na ang tangi kong kasama ay ang pang-asar na si Aston. Over my dead se - okey, dead body lang. Walang sexy!
"Ah, teka, teka! Sa'n punta niyo?" tanong ko sabay hawak sa biceps ni Kiko.
HAAANGTIGAAAS!!!
"Aalis na. We have to keep moving," sagot ni Kiko.
"P-pero, hindi niyo ba ako isasama? 'Di ba, ako na lang ang natatanging babae dito sa mundo?"
"Ayaw mo naman kasi sa gusto naming mangyari, eh."
"Ayaw agad? Hindi ba, pwedeng pag-isipan muna?"
Yes! Chance ko na itong magmaganda. Mukha naman kasing desidido sina Kiko at Theo sa nais nilang pagpaparami ng mga madlang pipol at ang katawan ko ang gagamitin nila. Wala silang choice, eh! At oo, magmamaganda talaga ako. Akala naman ng dalawang ito ay bibigay agad ako por que ba gwapo sila? Hindi rin. Kung dati, ako ang naghahabol sa mga lalaki, ngayon, sila naman ang maghahabol sa akin. Tingnan mo nga naman, nasa akin pa rin ang huling halakhak!
Hinawakan naman ako bigla ni Aston sa balikat at iniharap sa kanya. "Teka, 'wag mong sabihin na papayag kang gawing paanakang baboy, Diamantina?" nakataas ang isang kilay na tanong niya.
Bakla yata. Tumataas ang kilay. Hmp!
"At bakit, hindi, Aston? I am the only girl in the world. I am the only hope of the humility!"
BINABASA MO ANG
Ang Tangeng Babae
HumorKilalanin si Diamantina-- ang tanging natitirang babae sa Earth nang isang asteroid ang tumama sa mundo. Sino nga ba sa apat na lalaking natitira sa Earth ang pipiliin niya?