CHAPTER 04

8.9K 290 53
                                    

CHAPTER 04

DIAMANTINA'S POV

OH MY GEE! Grabe naman. Gutom na talaga ako. Sa halos limang oras na paglalakad naming ni Aston ay wala kaming makitang ibang tao na buhay o kahit mga bangkay man lang. Marahil ay nagging abo na lang sila nang bumagsak ang napakalaking asteroid na iyon! This is just sooo... ano. Hay, pati ang English powers ko parang nawawala na nang unti-unti dahil sa hungerness na nararamdaman ko.

"Hoy, Aston, gutom na ako..." ungot ko sa kanya.

"Ikaw lang ba?" asik niya sa akin.

Jusko! Ang init naman ng ulo nitong kasama ko. Gutom na nga rin siya. Obvious naman. Pero saan naman kami kukuha ng makakain kung lahat ay winasak ng asteroid na iyon. Paano kami nito kakain at kanino kami hihingi ng tulong?

Maya maya ay natigilan ako.

"Oh, my God!" eksaherado kong reaksyon na may kasama pang pagtakip ng palad sa aking bibig.

"Bakit na naman?" nakasimangot na tanong ni Aston sa akin.

"Aston, may naisip lang ako. Paano kung tayo na lang ang natitirang tao or buhay dito sa Earth? P-paano na tayo?"

Mabilis na napailing si Aston na may kasama pang pandidiri. "Hindi pwede! Katapusan na iyon ng mundo kapag nangyari! Siguro naman ay may iba pang survivors bukod sa atin," at mas binilisan pa niya ang paglalakad.

Siyempre, binilisan ko rin ang paglalakad para makasabay sa kanya. "Pero, nag-end na nga ang mundo, 'di ba? At tayong dalawa na lang ang nakaligtas!"

"At talagang inassume mo na agad na tayong dalawa na lang ang nabubuhay sa mundo, ha! Siguro, ang iniisip mo kapag ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo ay papatulan na kita..." ngumisi si Aston. "Hindi iyon mangyayari. Mas gugustuhin ko pang pakasalan ang sarili ko kesa sa isang panget na babae!"

Wow naman! Diretsahan pala itong magsalita si Aston. Tagos sa puso ko. Oo na, panget na ako. Alam ko naman iyon. At sayang naman ang pagkagwapo niya dahil napaka mapanglait niya! Turn off na agad ako sa kanya. Hmp!

Sa sobrang inis ko ay dinuro-duro ko siya sa kanyang likod. "Ang kapal mo naman na sabihin na parang type kita, Aston. Oo na, gwapo ka na pero hindi sapat na dahilan iyon para magustuhan kita agad-agad! Kakakilala pa nga lang natin, eh. At saka, sino ba ang pumasok na lang bigla sa basement para makita ako? 'Di ba, ikaw? Ibig sabihin, ikaw ang may pagnanasa sa akin at dine-deny mo lang iyon-"

"Pwede ba, Diamantina! Naipaliwanag ko na iyan sa iyo kanina. Ayoko ng paulit-ulit. Saka, tumahimik ka na para hindi ka agad nagugutom! At naniniwala ako na hindi lang tayo ang nakaligtas, meron pang iba. Ang kailangan lang nating gawin ay hanapin sila at nabubwisit na ako sa pagmumukha mo!"

Ako naman ang sumimangot. Gutom na nga ako tapos ganito pa ang kasama kong tao!

Naglakad pa kami nang naglakad hanggang sa may madaanan kaming isang sira-sirang mall. Haaay... Nakakaiyak naman talaga ang ginawa ng asteroid na iyon sa mundo. Well, basta ako, malakas ang paniniwala ko na kami na lang ni Aston ang natitirang tao dito sa Earth.

Nagkasundo naman kami ni Aston na pasukin ang mall na iyon para humanap ng makakain. Nagbabaka-sakali lang naman kami. At nakakatuwa lang na napakaraming canned goods na nagkalat! Swerte pa rin naman kahit papaano.

"Ang daming de-lata, Aston! Makakakain na tayo!" sabay yakap ko sa kanya.

"Pwede ba, Diamantina!" at marahas niyang inalis ang pagkakapulupot ng bisig ko sa leeg niya.

"Sorry, na-carried away lang ako... Tara kain na tayo. Gutom na talaga ako, eh!"

Parang ngayon lang ako makakakain ng de-lata sa buong buhay ko nang isa-isa kong hawakan ang mga iyon. Wala akong pakialam kung nasa sahig sila at yupi-yupi na ang lata. Basta ang alam ko, isang masarap na pagkain ang nasa loob nila.

Ang Tangeng BabaeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon