Rom-com, SPG, action, drama, musical
Mga pusong naglalaro sa kapalaran...
Ang tadhanang binaon sa limot...
Ang pangakong pinaasa ng kahapon...
Dalawang nilalang na bubuo sa pangarap...
...ng dalawang pusong hindi pinagtagpo....
Highest...
Isang gabi matapos gumimik sa isang isla nakidnap ang anak ng mayamang angkan sa bansa si Isaiah Cheung, black belter, mahusay sa boxing, basketball, football, magaling sa online games na pang macho sa tingin niya.
Bukod dito isa itong guwapo, playboy, macho at higit sa lahat simpatikong bolero…. na ipinagmamalaki nito sa lahat.
At dahil laman ito ng gimikan at marunong ito sa lahat ng self defense, kaya hindi naniniwala ang lolo niyang si Ralph Cheung na nakidnap siya kaya kailangan niya gumawa ng paraan para makatakas sa lungga ni Satanas na siya niyang tawag sa lalaking kumidnap sa kanya.
Si SatA Falcon aka Hunter, leader ng isang kinatatakutang grupo sa bansa, bilyonaryo, guwapo, matangkad at may mga matang sing itim ng gabi na animo'y nanghihipnotismo sa lahat pero.... hindi kay Isaiah.
"Gusto mo maging lalaki, pakakawalan na kita at malaya kanggawin ang pagpapalit ng kasarian pero sa isangkondisyon...." seryosong sabi ni SatA habang nakatayo ito sa dilim, na usok lamang ng sigarilyo nito ang maaaninagan. Nakatingin ito kay Isaiah na nakatali ang mga paa at kamay sa mga pader habang nakatayo ang dalaga.
"Ano iyon?" maangas na tanong ni Isaiah.
"Bigyan mo ako ng anak na totoong macho... na mas macho pa kay Isaiah Cheung…. At gagawin nating dalawa...." putol na sabi ni SatA sabay buga ng sigarilyo pataas at tumingin muli ito kay Isaiah.
"..... diyan mismo sa kinatatayuan mo." nakangising sabi ni SatA na ikinasigaw ng malakas ni Isaiah sa galit at ikinatawa naman ng malakas ni SatA.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.