(Just play the theme song for this chapter)
"Present day"
Continuation of Epilogue in BH novelIkalawang bayan
El Paradiso, 9am
"Nasaan siya?" tanong ni SatA sa mga tauhan.Nasa hideout siya sa isang lugar sa El Paradiso, kung saan secured ang lugar na iyon ng mga cctv camera at mga tauhan ni SatA.
"Mabilis siya tumakbo boss." sabi ni Randy, ang namumuno sa paghuli kay Isaiah.
"Damn it. Hanapin niyo." galit na sigaw ni SatA sa mga tauhan.
"Sir, may mga humahabol din sa kanya." sabi ni Randy.
"Kaya nga mas dapat na mauna kayo makakuha sa kanya, dahil tiyak na itatago siya ng mga Cheung.... or worst, baka iba ang makakuha kay Isaiah." galit na sabi ni SatA.
"Sige, boss." sabi ni Randy.
"Pero boss may nakapagtip may family meeting ang mga Cheung ngayon, na gaganapin sa Cheung Hotel." sabi ni Arnold, ang isa sa tauhan ni SatA.
Napaisip si SatA ng biglang maalala ang sinabi ni Ice kagabi...
".... pero huwag mo siya kunin ngayon. Palamigin mo muna, sigurado naman mga two to three days balik sa normal ang lahat. Basta hindi puwede ngayon dahil nandiyan si Martein na siyang nakahawak ng imbestigasyon sa pagkawala ni Isaiah.... Pareho tayong maiipit kapag nahuli ka nila." sabi ni Ice.
Kaya napangisi si SatA, alam niyang hindi siya ipapahamak ni Ice dahil alam niya kahinaan nito. Kaya muli siya nagsalita sa mga tauhan.
"Ganoon ba. Palibutan niyo ang buong Cheung Hotel, ang lahat ng lalabasan at ang maaaring pasukan ni Isaiah." sabi ni SatA.
"Boss, kapag nakorner ba namin, kukunin na ba namin siya?" tanong ni Arnold.
"Huwag muna, bantayan niyo lang. Hintayin natin kumalma ang lahat." seryosong sabi ni SatA.
...................
BINABASA MO ANG
The Devil's Prisoner - SatA and Isaiah (COMPLETED) SH#4
RomanceRom-com, SPG, action, drama, musical Mga pusong naglalaro sa kapalaran... Ang tadhanang binaon sa limot... Ang pangakong pinaasa ng kahapon... Dalawang nilalang na bubuo sa pangarap... ...ng dalawang pusong hindi pinagtagpo.... Highest...