Kabanata 4 : Lily : PG

1.2K 39 9
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

(Just play the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

El Paradiso

Saan mo ako dadalhin?” lasing na tanong ni Isaiah kay SatA.

“Iuuwi na kita.” nakangising sabi ni SatA habang karga nito si Isaiah palabas ng bar.

Iniwan ni SatA ang mga tauhan niya at pinacheck ang lahat ng cellphone na nasa loob ng bar, at alam na ng mga ito ang gagawin para hindi makalabas ang pagsayaw ni Isaiah sa pole dancing na parang hubad na kanina.

Karga ni SatA si Isaiah ngayo, nakasabog ang buhok ng dalaga sa mukha nito. Naka-tube lang ito at maliit na itim na shorts na parang cycling.

Doon ang cottage ko.” lasing na sabi ni Isaiah at tinuro nito ang daan papunta sa cottage niya na pag-aari ng ate niyang si Ellie.

“Sa bahay ko ikaw iuuwi.” nakangising sabi ni SatA  na kanina pa niya pinipigilan ang init na lumulukob sa buong pagkatao niya sa pagdantay ng hubad na katawan ni Isaiah sa kanya.

Isama pa na naka karga ito sa kanya na ang mga hita at binti nito ay nakapulupot sa baywang niya at ang mga braso ni Isaiah ay nakayakap sa leeg ni SatA.

“Huwag doon… doon tayo sa cottage ko.” lasing na sabi ni Isaiah.

Halatang lasing na lasing nga si Isaiah dahil nakuha pa ng dalaga isiksik ang mukha nito sa leeg ni SatA. Lalo na at nagpapainit sa binata ang mainit na hininga ng dalaga na dumadampi sa balat niya.

“Ayoko. Doon tayo sa bahay ko… natin.” napangiting sabi ni SatA at naglakad ito papuntang parking lot.

Malamig na.” sabi ni Isaiah at mahigpit nitong niyakap si SatA.

Hinaplos ni SatA ang likod ni Isaiah nilalamig na nga ang katawan nito dahil malakas ang simoy ng hangin sa isla isabay pa na madaling araw na ng mga oras na iyon.

Kaya nga uuwi na tayo.” sabi ni SatA at hinawakan nito ang pang-upo ni Isaiah sa pagkarga niya dito.

Kinuha ni SatA sa stage ng bar bago lumabas ang pantalon at t-shirt ni Isaiah pati ang sneakers nito na isa-isa nitong hinubad kanina.

Sa cottage ko.” sabi ni Isaiah. Wala na siyang lakas lumaban dahil naka-ilang bote rin siya ng beer na hindi na niya mabilang. At isang tunggaan lang niya ang kada bote ng alak na iniinom niya kanina.

“Isasakay na kita, para makauwi na tayo.” sabi ni SatA.

Isinakay nito sa unahan ng kotse si Isaiah at inayos ito roon.

Napalunok si SatA ng makita ang kagandahan ng katawan ni Isaiah na matagal na niyang inaasam. Makinis ito, maputi na may perpektong kurbada ng katawan.

The Devil's Prisoner - SatA and Isaiah (COMPLETED) SH#4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon