Kabanata 3 : Give You What You Want

1.1K 42 9
                                    

(Just play the theme song for this chapter)

pole dancing is good for weight lose 😉

"Isaiah!" tawag ng grupo ng mga babae ng pagpasok  sa bar at makita nila si Isaiah na nakaupo sa counter ng bar

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Isaiah!" tawag ng grupo ng mga babae ng pagpasok sa bar at makita nila si Isaiah na nakaupo sa counter ng bar.

Napangiti si Isaiah, isa sa mga nagustuhan niya sa El Paradiso malaya siyang nakaka punta sa bar araw-araw, dahil malapit lamang iyon sa Cheung Hotel.

Ang The Island Bar ay nasa ikalawang gusali ng Cheung Hotel o tinatawag na CH2 pag-aari din ito ng pamilya niya at sinasabing kasosyo ng mga ito ang dalawa sa masugid na manliligaw ng nanay niyang si Ella noong dalaga pa lang ito.

"Hello girls!" nakangiting sabi ni Isaiah.

Kilala si Isaiah sa bar na iyon mula ng dumating siya doon tatlong taon na ang nakalipas. Palagian na siyang laman ng bar at dumami lalo ang mga customer nun dahil sa kanya na mismong may-ari ang nagsabi sa kanya na naging kaibigan niya na rin.

"Akala namin hindi ka na darating." mapang-akit na sabi ng babae kay Isaiah.

Napangisi si Isaiah, si Olivia ang isa sa babaeng laging nakadikit sa kanya kasama nito ang tatlo sa kaibigan nito na halos bakuran siya huwag lang siya lapitan ng iba.

"Ako pa." nakangiting sabi ni Isaiah sabay yakap sa baywang ng babae.

Alam ng mga babaeng kaharap na tomboy siya pero wala sa mga ito ang kalagayan niya, mas hinahanapit pa nga siya ng mga ito para hindi pagkaguluhan ng ibang babae sa bar.

"Busy ka ba?" mapang-akit na sabi ni Olivia at inilapit nito ang labi kay Isaiah.

Napangiti si Olivia, deretsong babae siya pero kakaiba si Isaiah mula ng makilala niya ito sa bar. At kung tatanungin si Olivia mahal niya si Isaiah dahil iba ito mag-alaga ng babae. At isa sa katangian na nagustuhan niya dito ay marunong ito makipaglaban.

Nagkakilala sila minsan nagkagulo sa bar ng bastusin si Olivia ng isang grupo.

Flashback


"Ano ba?" sabi ni Olivia. Ilang beses na siya pumupunta sa bar na iyon at kahit kailan hindi pa siya nababastos, bukod sa gabing iyon ng palibutan siya ng tatlong lalaki. Nasa gilid pa naman siya at nasa kabilang side ang mga kaibigan niya, bukod pa sa madilim ang gilid na iyon ng bar at malayo sa mga nagkakasiyahang mga customer sa gitna ng dance floor

"Miss, pagbigyan mo na kami. Ngayon lang kami nagawi dito dahil madalas kami sa kabilang bar." sabi ng lasing na lalaki.

"Oo nga Miss at tama ang balita, mas maraming bebot na pumupunta sa bar na ito kompara sa kabilang bar." sabi ng ikalawang lalaki.

"At bukod pa doon, mas magaganda ang mga babae sa bar na ito. Ano bang meron sa bar na ito na dating tambayan lang ng mga pusa sa gabi." nakangising sabi ng pangatlong lalaki.

The Devil's Prisoner - SatA and Isaiah (COMPLETED) SH#4Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon