“So kailan mo pa kaibigan si Lorraine?” tanong sakin ni Kate habang pinaglalaruan ang buhok nyang naka ponytail na sa tingin ko ay hanggang bewang ang haba.
Kahit naiilang ay sumagot ako, ang bastos ko naman siguro kung hindi ko sya papansinin.
“First year college.” sagot ko. Nasa akin ang mata ng pito. Hindi ko alam pero parang naiipit ako. Hindi ako makahinga ng maayos. Grabe yung nararamdaman kong tensyon sa paligid. Sa isang iglap ay para akong iniinterogate dahil sa napakalaking atraso.
Nakita ko ang pag ngisi ni Shin. “What's special on you? para maging kaibigan ng isa sa mga Javier?”
Hindi ko alam kung matatawa or ma ooffend ako. Natatawa ako kase ganon pala ang pananaw nya sa salitang kaibigan, or maooffend kasi ganon kababa ang tingin nya sakin.
Bakit? gano ba sya kataas sa tingin nya?
“Hindi ko alam na may batayan sa pagiging kaibigan.” seryoso kong sagot. Kahit kabado ay pinilit kong tumingin sa mga mata nya. Hindi ko alam kung saan ako nakahugot ng lakas ng loob harapin sya pero eto ako ngayon nakikipagtitigan sa hazel nut na mga mata nyang parang sa isang iglap ay mauubusan ako ng lakas dahil sa lalim non. Bakit ba ganto sila. Lahat sila na otoridad at parabg hindi mo magagawang tumanggi or sumalungat.
Maganda sana sya kaso parang napaka lamig ng pagkatao nya. Wala bang nagmamahal sa babaeng to?
Ibinaling nya ang tingin sa iba saka nangalumbaba at umaktong nag iisip. “I'm just wondering, ” humikab sya bago pumikit. “What's with you then?”
“Ne ne ne.” basag sa katahimikan ni Huxley dahil walang nagsalita matapos non. “Anyway, anong full name mo?”
Unlike the others sya lang ang mukhang makaka usap ko ng matino dahil sya lang talaga ang light ang aura. Di tulad sa anim na parang ang bibigat. Nakakatakot.
Si Lharaine ay tahimik na sumisimsim ng wine sa champagne glass na nasa harap nya.
“Alshie Marie Hidalgo.” napakunot ang noo nya.
“Hidalgo..” napaisip sya. “Sounds Familiar.” Ilang segundo syang nag isip saka napapitik ng mapagtanto kung ano man yung iniisip nya. “Hidalgo hindi ba yun yung sa Blacklist?” baling nya sa kasama nya.
“Yeah, I heard that before. Pero kung kasama sya sa angkan ng mga matataas na hidalgo, bakit hindi ko sya kilala.” tinignan ako ni Ayaka. “She's promdi girl.”
“And diba, deads na yung head ng clan nila dahil sa Car accident matagal na yon and bago na yung leader non, there's no possibility na part sya ng Clan na yon.” pag papaliwanag naman ni Tristen.
Ano bang sinasabi nila? praning ba sila? diko nga magets sinasabi nila tapos nadamay pa mga Hidalgo haller! magsasaka lang ang tatay ko ano bang clan clan sinasabi nila.
“Ah! nevermind.” napasandal nalang si Huxley sa inuupuan.
“Wait here, I'll call Jace.” ibinaba ni Leri ang hawak nya saka tumayo. Wala namang sumagot.
Pinakatitigan ko yung anim na nandito.
Si Kate na may mahabang buhok na sobrang taray kung titignan. Well mataray naman talaga sya. Maganda sya at kung titignan ay mukhang model or beauty queen ang datingan.
YOU ARE READING
The Night I Can't Forget (Night Raid Series 1)
Novela JuvenilDeath Society. Night Raid Series 1 Syd Trevor Salvador is the heir of the Sandoval's underground organization, along with his father Shawn and his younger brother Trey. And one of the leader of Night Raid.