Chapter 2

15 6 0
                                    

Maaga akong gumising kinabukasan at salamat naman dahil hindi tulad kahapon ay nakakalakad nako ng maayos. Napahinga ako ng malalim.


7 am na ng umaga kaya nagluto na ako ng umagahan saka pumasok sa banyo para maligo.

“Al?” rinig kong tawag sakin ni Lorraine sa labas.

Ang aga naman ata nya?

Nasa banyo nako at medyo matagal pakong matatapos dahil kakapasok ko lang. Kukunin ko na sana yung tuwalya para magtapis at labasin sya pero ganon nalang ang inis ko ng maalalang naibaba ko ito sa higaan kanina.

Ang tanga mo talaga Alshie!

Sarado ang gate dahil hindi pa naman ako nakakalabas, pati ang pinto papasok dito ay naka lock din. Pano iyon makakapasok.

“Mag antay ka dyan hindi ako makalabas naiwan ko yung tuwalya!” sigaw ko at talagang nilakasan ko pa para marinig nya sa labas. Hindi ko sya narinig na sumagot kaya sumigaw ulit ako.

“Malapit na—” natigilin ako at napatingin sa pinto ng CR ng dahan dahang bumukas yon at nakita kong may lumulutang na tuwalya. Nagulat naman ako dahil akala ko kung ano na tuwalya lang pala. I sighed.

Magbubuhos na sana ulit ako ng may marealize.

Tangina. L-lumulutang na t-tuwalya?

Nanlalaking mata kong tinignan ang tuwalya na nasa gilid ko. Pero nandon parin yon.

“AHHHHHH PUTANGINAAAAAAAAAAAAAA!”

Halos umakyat ako sa pader dahil sa nerbyos dala ng gulat at takot.

M-may multo??

“ALSHIE ANO BA NANGANGALAY AKO!” nagtataka naman akong natahimik.

Nagsasalitang tuwalya?

Sisigaw pa sana ulit ako ng biglang pumasok si Lorraine?

“Ano bang ginagawa mo dyan sa taas ng bowl?” salubong ang kilay nyang nakatingin sakin.

Namula ako dahil wala akong saplot na kahit ano kaya agad kong kinuha yung tuwalyang inihagis nya at nagtapis. Buti nalang at puro bula ang katawan ko.

Kahit parehas kaming babae ay maiilang ako. Dahil wala akong saplot ni isa!

“Pano ka nakapasok? nakalock—”

“Hindi naman naka lock yung main door, yung gate nyo inakyat ko mababa lang naman keri pa ng energy ko” sabay pitik sa buhok.

Inakyat?

“Hindi ba nakalock yung pinto? pero diko pa binubuksan yon—”

“Maligo ka na nga malelate ka sa trabaho mo ang daldal mo.” pagtapos ay isinara na nya yung pinto ng cr at umalis. “By the way Al, ang sarap nung niluto mong hotdog, medyo black na sya.” rinig kong sabi nya sa labas.

Napailing nalang ako at pinagpatuloy ang pagligo.

Minsan talaga diko mawari kung anong klaseng babae ba si Lorraine. May mga bagay kase na parang imposibleng gawin ng tulad nya pero nagagawa nya.

The Night I Can't Forget (Night Raid Series 1)Where stories live. Discover now