Nakatanga ako sa harapan ni Lorraine dahil kanina pa sya putak ng putak sa harapan ko.
Hindi ko na nga maintindihan yung iba pa nyang sinasabi dahil wala talaga ako sa sarili. Masakit parin yung nasa pagitan ko. Ano ba naman kasing naisip ko at uminom pako sa bar nayon. Tangina naisuko ko tuloy ng wala sa oras tong bataan ko. At kung sino mang lalaki yon ay masamid sana sya ngayon.
Alam kong lasing sya nung oras nayon at parehas lang kaming nadala sa init ng alak pero mali parin.
Namumula ako sa tuwing naaalala ko ang gabing yon, bakit ba naman kasi napaka gandang tindig ng lalaking yon at kahit ako na hindi pa sana bibigay ay bumigay. Wala ni isa sa mga ex ko ang pinagbigyan ko. Tapos isang gabi lang ay mawawala? tapos malala pa don hindi ko pa kilala. Mygoodness.
“Alshie! nakikinig ka ba ha!”
Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ang boses ni Lorraine sa harapan ko. Putragis nayan.
“Ano ba kase yon?” hindi ko talaga sya naiintindihan kanina dahil nga lumilipad talaga ang isip ko kung saan saan napupunta tapos biglang maalala yung— kalma Alshie makinig ka kay Lorraine.
“Ano bang nangyari bakit ba lagi ka ng tulala? may nagawa kang kasalanan no?” nagtataka akong napatingin sa kanya na tila napaka laking kasalanan ng nagawa ko kung makatitig sya sakin.
“W-wala akong ginawang kasalanan ano bang sinasabi mo dyan?”
“Eh bakit ayaw mo akong samahan?” nameywang sya sa harapan ko habang salubong ang mga kilay. “Kanina nag utos ka sakin para bilhan ka ng pagkain, tapos ako pinalakad mo para magbayad ng bills nitong nakaraang araw tapos pinapunta mo ako dito para gawin ang mga gawain mo? seryoso? ano bang nangyayari sayo? ha? ginawa mo pakong utusan.” sunod sunod na reklamo nya dahilan kung bakit sya hinihingal ngayon.
She's Lorraine bff kong sobrang maldita na akala mo pinaglihi sa sama ng loob. Minsan ko lang naman utusan grabe kung makareklamo ampocha. Di naman kasi talaga ako makalakad dahil masakit parin tong gitna ko. Gano ba kase kalaki ang ibinaon ng lalaking yon sa loob ko kaya't ilang araw nakong di makalakad ng maayos.
Nalaman ko pang naaksidente si lola kahapon kaso nga lang ay wala akong pera para makauwi agad sa probinsya saka hindi pa ako nakaka sweldo sa trabaho ko bilang callcenter agent sa pinapasukan kong agency dito sa Manila. Kakabayad ko lang din ng bills sa probinsya nung nakaraan at bills dito dahil ako ang bread winner ng pamilya. Wala na akong ina dahil namatay sya ng ipinanganak ako kaya ganon nalang kung ingatan ako ng papa ko.
Dalawa kaming magkapatid ako at si Aliyah na kasalukuyang pinag aaral ko ng highschool. Hindi kami magkasundo ng batang yon dahil mainit ang dugo nya sakin. Probably kapatid ko lang sya sa tatay dahil anak sya ng stepmother kong si Mathilda. Ewan ko ba sa babaeng yon at hindi magawang magtrabaho para sa anak nya. Kung wala lang don si papa at lola ay baka hinayaan ko na sila.
First year College ako ng lumipat ako dito sa bahay ng tita Georga ko, sa kanya ako kasalukuyang naninirahan dahil sya lang ang kamag anak ko dito. Kaso lang ay wala sya dito dahil bumisita sya sa anak nya doon sa kung saan kaya ako ang pinagbantay nya dito.
Mabait si tita kaya hindi na ako nanghingi ng pambayad sa kanya this month dahil kaya po namam bayaran. Kaso nga lang ay nadisgrasya si Lola kaya baka makahiram din ako sa kanya.
“Sure ka bang okay ka lang? pwede naman ako dito nalang muna, magpapa alam naman ako kay Mom and I'm sure na papayagan ako non.” ngumiti sya sakin.
“Wag na maabala ka pa may pasok ka bukas diba?” natawa ako.
“Tanga ka girl? wala ng pasok christmas break na kaya. Sabi ko sayo di ka okay eh.” kinapa kapa nya pa yung leeg ko.
Bobo ka Alshie.
Working Student nga pala ako tanga.
Natawa na lang ako sa sarili kong kabobohan.
“Pasensya ka na ha, Godbless.” binatukan nya ako saka tumalikod na.
“Tanga ka, bukas babalik ako dito ng maaga pag ikaw lutang pa ipapakuha na kita sa mga doctor at baka naloloka kana, bitch ka.” Umirap sya sakin. “Message me if you need me ha, wag mahiya girl makapal mukha mo remember?” napangiwi pako sa sinabi saka nyako tinalikuran.
Ang gagang yon.
“Ingat!” kinawayan nya lang ako saka sumakay sa kotseng nakaparada sa harap ng bahay. Sinundan ko pa sya ng tingin.
Si Lorraine lang ang naging kaibigan ko dito sa Manila. Friendly sya at famous sa University na pinapasukan namin dahil anak mayaman sya. Hindi ko nga alam kung bakit ako kinaibigan non eh mahirap lang naman ako. Marami syang kaibigan na sikat sa Campus. Pero yung iba eh hindi nya masyadong sinasamahan dahil nga sabi nya sakin,
'nandyan lang yan pag meron ako.'
na ikinagulat ko. So bakit nyako pinagkatiwalaan eh kung yung mayayaman nga takot syang magamit sya pano pa akong mahirap lang? Nung tinanong ko sya about don hindi nya ako sinagot. Malay ko ba.
Minsan ay di ko rin maintindihan kung bakit mabait sya sakin or bakit nya pa ako sinasamahan eh wala naman syang makukuha sakin. Mas matanda lang ako sa kanya ng isang taon dahil maaga syang nag aral.
I'm just happy lang na nagkaron ako ng kaibigan kahit malayo sya sakin. Sana lang ay hindi sya magbago.
Naglakad na ako pabalik sa loob ng maramdaman ko na naman ang hapdi.
Punyeta.
Pano ako makakapasok neto mamaya?
--
Hindi muna ako pumasok sa trabaho dahil feeling ko ay lalagnatin talaga ako.
Umupo nalang ako sa upuan sa sofa at binuksan ang TV para manood ng balita bumungad sakin ang sikat na sikat na boy band, NRS.
I'm their fan, pero nitong nakaraang araw ay diko alam bat naiirita nako sa isa nilang myembro. Si Syd. Di ko talaga alam kung matutuwa or maiinis ako dahil sya lang naman ang nakauna sakin.
Yes tandang tanda ko kahit na sobrang lasing ako. Sasayaw lang naman sana ako para ialis yung lungkot kaso bakit naman virginity yung inalis sakin. Ampocha.
Yes, and that night was the night i can't forget.

YOU ARE READING
The Night I Can't Forget (Night Raid Series 1)
Novela JuvenilDeath Society. Night Raid Series 1 Syd Trevor Salvador is the heir of the Sandoval's underground organization, along with his father Shawn and his younger brother Trey. And one of the leader of Night Raid.