Chapter 3

15 7 0
                                    

Buhat buhat ko ang trey para ilagay sa isang table dahil nagsimula nako sa trabaho. Tinuro sakin kanina ni Amy ang mga dapat at bawal gawin kapag nasa trabaho, pati narin ang mga table numbers at kung paano makipag usap sa mga customers.


Dahan dahan akong naglakad papunta sa table 16 para ilagay tong inorder nilang steak. Naaakit ako sa amoy, mukha talagang ang sarap.

Ibinaba ko sa table kung saan nandon ang dalawang magagandang babae, parehas silang nakahawak sa kanya kanya nilang cp kay malamang ay di nila ako napansin.

“Thanks.” napatitig ako sa babaeng nagsalita at merong pares na berdeng mga mata.

Ang ganda nya.

Napansin nya pala ako. Matapos mailagay at yumuko ay tumalikod na ako para sana umalis ng marinig ko syang magsalita.

“Bagong waitress?” napaharap ako saka nakangiting tumango. “I see.” pagtapos non ay yumuko ulit ako at umalis na.

“Bes, ano sinabi sayo nung nasa table 16?” taka akong napatingin kay Amy na parang na eexcite malaman kung ano ba talagang sinabi.

“Wa—”

“Alshie, table 40 second floor.” rinig kong sabi ni Alice kaya nagpaalam agad ako kay Amy saka sumunod.

--

Medyo nakakapagod ang trabaho ng pagiging waitress pero keribels naman. Pabalik balik kase at minsan ay di maiiwasang may masungit na customer na sobrang arte.

“Alshie may gagawin ka ba?” bungad na tanong sakin ni Lorraine dahil bumalik sya ngayong pauwi nako.

“Yes, may pasok pa ako mamayang 6, bakit?” napanguso sya.

“I'll pay for your night sumama ka lang samin sa mansion birthday ni Jace and my party na magaganap.” nakatingin sya daan.

Nakakahiya naman kung babayaran nya pa yung sahod ko dapat mamaya, siguto ay umabsent na muna ako dahil pagod din ako. Isa pa ay maganda ang sweldo sa resto nila kaya baka mabawi naman.

“Please?” ngumiti pa sya.

“Sasama na ko kahit wag mo kong bayaran” sagot ko naman saka nangalumbaba. Mayayaman ang mga nandon. Baka ma out of place ako. Isa pa wala akong magarang damit.

“Don't worry pahiramin nalang kita ng damit or gusto mo bumili tayo ngayon?” nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya kaya dali daling umiling.

Abuso naman ata kung magpapabili ako ni hindi ko nga naisip yon. kaibigan ko sya at hindi magulang.

“Pahiramin mo nalang ako.” tumango sya saka dali daling nagmaneho. “Sa mansion na tayo dumiretso.”

“Sino nga pala si Jace?” malamang ay kapatid nya.

“Kuya ko.” sagot nya. “Alshie.” seryoso nyang tawag sakin.

“Bakit?” takang tanong ko. Para kasing nakaka kaba pag bigla syang nagseseryoso ng ganto. Lagi syang ganto pero ewan ko ba hindi ako masanay sanay.

The Night I Can't Forget (Night Raid Series 1)Where stories live. Discover now