Epilogue

8.9K 148 117
                                    

Andrea's POV 

Makalipas ang ilang taon naging maayos na ang lahat. Marami nang nag bago. Pero hindi naman naging masama ang kinalabasan ng pagbabagong yon. Siguro, bumawi si tadhana sa sakit na naidulot niya noon. 

Ako, masaya na ako sa bago kong pamilya. Oo, may anak na kami ng panget—este gwapo kong asawa. At mas lalo ko pa siyang minahal. At masasabi kong isa siyang perpektong ama sa aming anak at isa din siyang perpektong asawa. 

Si Nadine at si James? Ayon. Sa kasalan din ang punta. Minsan parang aso't pusa kung may away pero minsan naman tinalo pa kami sa pagiging sweet sa isa't isa. Kulang nalang langgamin sila. 

Si Gwen naman at si Paulo kasal na tulad namin. Meron na din silang kay cu-cute na anak. Minsan nga dumadalaw sila sa mansion namin para makalaro ng ang mga anak namin. Pero kahit na may anak na sila, hindi parin nawawala sakanila ang ka sweetan sa katawan.

Si Katie? Ayon, nakahanap ng katapat. Kung siya childish ibahin mo ang naging boyfriend niya. Minsan nga nagtataka kami kung pano naging sila ng boyfriend niya. Sobra kasing seryoso sa buhay at puro business ang inatupag, pero kahit sobrang magkaiba sila ng ugali sila talaga yun itinadhana eh. Minsan nga nahahawaan na din minsan si Katie ng pagka seryoso lalong lalo na tuwing mag LQ sila! Isipin niyo yun? Yung childish na si Katie mapapatino ni Marc? Marc nga pala ang pangalan ng 'boyfie' niya (tawag niya yan sa boyfriend niya.) Siguro totoo ngang opposite do attract. 

At si Darius? Naka move on na siya sa akin. At masaya na siya kasama ni Alleiya. Nakakagulat no? Hindi din namin in- expect yun. Nung una puro away sila dahil laging binabalik ni Alleiya yung nangyari noon na nagka bungguan sila, pero sa huli mag ka kabati din sila. Torpe nga yang dalawang yan eh. Ayaw pa mag aminan ng feelings, pero halata mo naman na may gusto sila sa isa't isa. =_= Kaya minsan kami na gumagawa ng paraan para magka aminan sila eh. 

At kahit madami nang nag bago. Siguro yung pag kakaibigan namin ang hindi. Kahit may kanya kanya na kaming buhay, hindi pa din namin nakakalimutan ang isa't-isa. May okasyon man o wala sama sama padin kami. Lalo na tuwing may problema, sama sama namin iyon nilulutasan. 

Sa buhay natin minsan may nawawala, tulad nalang ng alaala ko. Pero siguro kaya nawala yun para may matuklasan tayo, para magising tayo o di kaya'y may ma realize tayo. Sa pagka wala ng memorya ko natuklasan ko kung sino yung taong hindi ako iniwan, yung taong kahit nag bago ang ugali ko anjaan parin sa tabi ko. Narealize ko din na madami akong nasaktang tao, pero kahit ganon pa man, anjan padin sila sa tabi ko. Kaya laking pasasalamat ko na sila ang nakasama ko at makakasama ko pa ng matagal.

"Mommy! Come on let's eat na, Daddy cooked for us!" Tuwang tuwa na sabi ng anak ko habang hinihila ako. Siya si Cloud. Ang ulap ng buhay ko. 3 years old na siya.

"Okay,okay. Susunod ako, mauna ka na baby." Sabi ko at ginulo ang buhok niya. Agad naman siya tumakbo pababa. 

Inayos ko na muna ang mga gamit ko at bumaba na.

Pagka baba ko amoy na amoy ko na ang favorite ko! PININYAHANG MANOK! 

Dali dali akong bumaba sa hagdan at tinignan ang naka hain. Kukuha na sana ako ng isa ng..

*PAK!*

"Tsk. Easy ka lang asawa ko. Umaandar nanaman ang pagka pg mo jan." Kahit kailan talaga 'tong si Claude.

"Psh. Kailangan ipang hampas ang kutsara sa kamay?" Sabi ko habang hinihimas yung natamaan ng kutsara. Ang sakit nun ah! =_= 

"Sus. Sorry na asawa ko." Lumapit siya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"San ba? Dito?" Sabay pisil niya sa parteng masakit. "Aww.. masak—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko..

*TSUP* "Masakit pa ba?" Tanong niya pagkatapos niya halikan yung kamay ko. 

The Nerdy Girl in the CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon