Toby cannot deny the irresistible attraction he felt for Augustre. Kahit pa sobrang naiinis siya sa lalake dahil wala na itong ibang ginawa kung 'di ang biruin siya. Kahit nagagalit, hindi naman niya mapigilan ang sariling makaramdam ng kakaiba sa tuwing nakikita ito without acknowledging it. Augustre seems to have a special feelings for him. Well, iyon ang nararamdaman niya dahil sa mga pinapakita nito sa kanya. Gusto man niyang maranasan ang magmahal at mahalin, natatakot siya dahil isa itong sikat na aktor. Simpleng tao lang siya. Alam niya ang magiging kahihinatnan kapag hinayaan niya ang kanyang puso. May mawawala sa kanya pero mas malaki ang mawawala kay Ausgustre at hindi niya iyon hahayaang mangyari. Subalit, habang tumatagal ay nahihirapan na siyang kumapit. His grip is almost on the tip of his finger. Isang pitik na lang ay mahuhulog na siya. Bibitaw na ba siya kahit pa hindi niya alam kung sasaluin siya nito o pipilitin pa rin niyang kumapit kahit sobrang nahihirapan siya para maligtas silang pareho?