Nakilala ko si TWINKLE nang magtangka siyang magpakamatay. Pinigilan ko siya at dahil sa parehas kaming malapit nang mamatay dahil sa sakit namin ay nagkasundo kaming gawin ang nasa "bucket list" namin. Pero ang isa sa mga imposibleng bagay na nasa listahan niya ay ang kagustuhan niyang makapunta siya sa buwan. Ibang klase talaga siya! Pero magagawa nga kaya naming lahat ang nasa bucket list namin kung kakaunting araw na lang ang itatagal namin sa mundo? At dapat ko nga bang ituloy ang nararamdaman kong pag-ibig sa kaniya kahit malapit na kaming mamatay?