Hindi maunawaan ni Tristan kung bakit sya nakaramdam ng panghihinayang ng huli na nyang makikilala si Alexa. Ang bagong team captain ng volleyball team ng University nila. Noong una ay naging interesado sya sa dalaga dahil sa galing nito sa paglalaro, pero hindi nya akalain na ng subukan nya itong lapitan at kausapin ay tinarayan at tinalikuran lang sya nito. Sya, si Tristan Valderama, tatalikuran at tatarayan ng isang babae? Ilang babae ba sa campus nila ang halos magpakahirap magpapansin, mangitian at makausap lang sya? Sa oras na iyon, mas lalong naging interesado si Tristan kay Alexa. Pero hindi nya akalain na ang planong pangungulit lang nito ay ang magbibigay sa kanya ng isa sa mga pinakamasakit na alaala ng College Life nya. Hindi sya naging handa sa posibilidad na pagkahulog nya sa dalaga, sa babaeng huli na nyang nakilala, sa babaeng agad syang nilisan. Hanggang dun nalang ba talaga ang istorya nila? O pagbibigyan pa sila ng tadhana na magkitang muli at iparamdam kay Alexa ang pagmamahal?