Kinabukasan,tulad ng napagusapan nila, bandang 3:00 ay lumabas na ng boarding house si Alexa at hinintay nalang si Tristan. Hindi naman nagtagal ay pumarada sa harapan nya ang kotse nito.
"Hi! Get in!" Nakangiting bati ni Tristan ng buksan nito ang bintana ng Passenger seat
Pumasok agad si Alexa.
"San mo gustong kumain?" Tanong ni Tristan
"Kahit saan, magpapakachoosy pa ba ako eh magpapalibre na nga lang ako!" Kaswal na sagot ni Alexa, napalingon ito kay Tristan ng mapansin nito ang pagtitig sa kanya "Problema mo?"
"Ang fresh mo ah! Nakapagpahinga ka ba ng ayos?" Ngingiti ngiting tanong nito habang nagdadrive
"Fresh? Saang banda? Eh maaga nga akong gumising para maglaba. Nakakahiya kase sayo, baka isumbat mo na naman sa akin ang mga ginawa mo" pabiro nitong sagot
Natawa ng malakas si Tristan "Gusto ko kase ng may magchecheer sa akin"
"Edi sana nagpost ka sa bulletin board ng university, baka mapuno ang gym ng Sta. Monica"
"Hindi ko sila kailangan, ikaw lang sobra sobra ng suporta ang nararamdaman ko!" Sabi nito na bumaling saglit kay Alexa
Natameme naman si Alexa sa narinig. Hindi nya alam kung paano hindi mapapansin ng katabi ang pamumula ng mukha nya. "Sa volleyball game ko, dapat andun ka din ah!" Pilit pinakaswal nito ang pagsasalita kahit grabe ang kabog ng dibdib nito
"Hindi mo na kaylangan sabihin. Andun talaga ako!"
"Siguraduhin mo lang!" Nagbabantang sabi ni Alexa
Hindi sa kalayuang resto sila tumigil para kumain. Nasa kalagitnaan sila ng pagkain ng sabay silang napabaling ang tingin sa taong tumigil sa tapat ng table nila. Si Trina!
"Uy! Trina!" Masayang bati ni Alexa "Sinong kasama mo? Sabayan mo na kami!" Yaya nito
Isang pilit na ngiti ang ibinigay nito. Hindi ito sumagot sa tanong ni Alexa bagkus ay bumaling ito kay Tristan. "Can we talked?" Seryoso nitong tanong
"We're talking already, what do you want?" Tanong ni Tristan bago uminom ng juice
"Tayo lang dalawa, sana" sabi ni Trina saka bumaling ng tingin kay Alexa
"Ahm! Sige sa labas nalang ako. Hintayin ko nalang kayo sa labas!" Akmang tatayo si Alexa ng pinigilan ni Tristan ang kamay nito.
Natuon ang tingin ni Trina sa nakahawak na kamay ni Tristan kay Alexa "No! You're not leaving. Stay here, babalik ako!" Saka ito tumayo at naglakad palabas ng resto
Wala namang nagawa si Trina kundi ang sundan ito. Naiwang walang kaideya ideya si Alexa.
"What do you want ba Trina at kaylangan mo pang istorbohin ang pagkain namin?" Tanong ni Tristan ng makalabas sila ng Resto
"Is there something going on between you and Alarcon?"
Napakunot ang noo ni Tristan "Is that your business? Bakit kaylangan mong usisain ang relasyon ko sa ibang tao?"
BINABASA MO ANG
His Sunshine
RomanceHindi maunawaan ni Tristan kung bakit sya nakaramdam ng panghihinayang ng huli na nyang makikilala si Alexa. Ang bagong team captain ng volleyball team ng University nila. Noong una ay naging interesado sya sa dalaga dahil sa galing nito sa paglalar...