Pinilit ni Alexa na alisin sa isipan ang mga nangyari sa university. Kaylangan nyang magtrabaho ng ayos para hindi sya mapagalitan ng Manager nya. Ilang minuto nalang ay malapit ng magsara ang cafè at maguwian sila ng tinawag sya ng katrabaho nito."Alex, may last order ako ah!" Si Kate ang kahera
"Sige lang!" Mabilis nitong sagot. Agad nitong tininganan ang order slip na lumabas sa bar area,at ginawa.
"Tall iced cafe mocha for..." napatigil sya sa pagtawag ng mabasa ang pangalan na nakasulat sa tumbler.. Tristan. Agad naman nyang nakita ang paglapit ng binata."Is that for me?" Nakasmile nitong tanong
Isang pilit na ngiti ang isinagot ni Alexa at iniabot ang order. "Enjoy your coffee, Sir!"
Akmang aabutin na ni Tristan ang tumbler pero kamay ni Alexa ang hinawakan nito "Hihintayin kita, gusto kitang makausap. Please!" Seryoso nitong sabi
Hindi maintindihan ni Alexa kung bakit nakaramdam sya ng awa sa binata. Tumango lamang sya bilang sagot saka binawi ang kamay. "May kaylangan pa akong tapusing gawin, excuse me!" Saka ito tumalikod.
Katulad ng sabi ni Tristan. Matyaga itong naghintay sa labas ng Cafe kay Alexa. Isang oras din siyang nakaupo doon bago lumabas si Alexa. Agad itong tumayo at sinalubong ang dalaga "Are you done?"
"Yah! Ano bang paguusapan natin?" Seryoso nitong tanong saka naupo sa upuan sa labas ng Cafè.
"Pwede tayong magusap sa kotse, ihahatid na kita."
Umiling si Alexa "Hindi na, dito nalang. Anong oras na din kase."
Umupo si Tristan sa tabi nito "Are you mad at me?"
Mabilis na umiling si Alexa "No! Bakit mo naman natanong yun?"
"Iniiwasan mo kase ako."
Natigilan si Alexa. "Hindi ako galit sayo, pero gusto kong dumistansya sayo. For sure nabanggit na sayo ni Coach ang nangyari. Ayoko ng maulit yun. Hindi ko gusto ang may makaaway o magisip sa akin ng kung ano"
"Pwede kong kausapin si Trina. Wala syang karapatan na pagisipan at pagsalitaan ka ng ganun"
Umiling si Alexa "Hindi lahat ng tao madadala sa pakikipagusap. Tristan, si Tristan Valderama ka, sikat sa University, Top player, mayaman, gwapo.. Hindi ka nababagay na lumalapit sa mga katulad ko, hindi ako ang dapat kinakaibigan mo.Hindi ako kalebel nyo"
Napakunot ang noo ni Tristan "Naririnig mo ba ang sinasabi mo, Alexa? Hindi ganan ang pagkakakilala ko sayo, hindi ganang Alexa ang nakasama ko for more than a week. Bakit kaylangan mong idown ang sarili mo? Alexa, wala akong pakialam kung taong bangketa ka o anak ng presidente, bakit kaylangan mong ilayo ang sarili mo sa akin. We're ok naman diba? Bakit kaylangan mong isipin ang sasabihin nila?"
"Dahil dignidad nalang ang meron ako, Tristan! At hindi pwedeng masira yun, dahil wala na akong alam na dahilan para lumaban pag nawala ang dignidad ko sa akin. Kung talagang kaibigan ang turing mo sa akin, iisipin mo ang mga sinasabi ng ibang tao sa akin. Ayoko ng issue, Tristan. Ilang bwan nalang makakagraduate na ko, gusto kong grumaduate ng walang iniisip na problema."
Napabuntong hiningga si Tristan at nakaramdam ng sakit sa sinabi ni Alexa "Ang selfish mo! Kaylangan mong isacrifice ang friendship natin para sa sinasabi mong dignidad. Parang isinampal mo sa akin na ako ang dahilan kung bakit mo pinagdadaanan ang ganito. Sorry ah! Kase ako willing akong ipaglaban ka sa kanila, patunayan na hindi ganung Alexa ang kakilala ko. Ganun ang magkaibigan diba? Well, atleast ngayon alam ko, na hindi mo talaga ako itinuring na kaibigan" tumayo ito "Magiingat ka paguwi!" Saka ito naglakad palayo kay Alexa at papasok sa loob ng building
BINABASA MO ANG
His Sunshine
RomanceHindi maunawaan ni Tristan kung bakit sya nakaramdam ng panghihinayang ng huli na nyang makikilala si Alexa. Ang bagong team captain ng volleyball team ng University nila. Noong una ay naging interesado sya sa dalaga dahil sa galing nito sa paglalar...