Gulong gulo si Tristan sa kakaibang naramdaman nya. Kasalukuyan itong nasa locker room nila at nakatapat sa salamin. Ano yun? Anong kaba yung naramdaman ko? Bakit sa kanya ko lang naramdaman yung ganun? Naghilamos ito ng mukha at muling tumingin sa salamin. What's in her at ginulo nya ako ng ganito?"Hoy! Valderama, namatanda ka ba dyan? Bakit tulala ka dyan?" Si John
Hindi nya napansin ang pagdating ng iba nyang team mates. "Kanina pa ba kayo?" tanong nito at itinuloy ang paghihilamos
"Oo bro, at kanina pa kaming nagtataka kung anong eksena mo dyan" si Larry
Tinuyo ni Tristan ang mukha gamit ang bimpo, lumapit ito sa kay John at Larry. "Im confused!" nasambit nya
Takang tumingin si Larry at John sa kaibigan.
"Anong confused? Bakla ka Bro?" si John
"Tado! Hindi syempre. It's about Alarcon"
Umupo ng ayos si Larry at John at nagpakita ng interes sa susunod na sasabihin ni Tristan. "Anong meron sa bagong apple of the eye mo?" Si Larry
Ikinuwento nito ang nangyari sa coffee shop at sa shooting na ginawa nila kanina. "At hindi ko maintindihan yung kaba ko" pagamin nito
"Tsk! Tsk! Tsk! Bro, inlove ka! Inlove ka kay Alexa Alarcon" Si John
Hindi nakaimik si Tristan.
"Bro, congrats. mukhang for the first time, tinamaan ka na ni Kupido" pangaasar ni Larry
Umiling si Tristan "I dont think so, siguro nanibago lang ako. Hindi kase sya tulad ng ibang babaeng nakasama ko." pagtanggi ni Tristan
"Hay! Naku Bro ayaw mo pang aminin. Admit it, na si Tristan Valderama ay inlove" sabi ni John sabay akbay "Ask her out!"
"We'll have coffee later. Pumayag sya sa imbitasyon ko." Pagbalita ni Tristan
"That's my Boy!" sabay na sigaw ni John at Larry at inakbayan si Tristan
"She's really different!"
Maghapong hindi tinigilan ni John at Larry si Tristan sa pagusisa tungkol kay Alexa. Right after the practice game, mabilis na naligo si Tristan at nagbihis, iniisip nyang any moment e darating na si Alexa.
Habang naghihintay sa loob ng gym si Tristan, daig pa nya ang babaeng nagdadalaga. Halos ipaligo nya ang pambago sa katawan nya. Bandang 5:10 nakaramdam na sya ng excite dahil ramdam nya na parating na ang dalaga. Pero mag 5:45 na hindi parin dumadating si Alexa."Ganun ba katagal magbihis yun?" Pagkausap nito sa sarili.
Naglakad sya palabas ng gym nila at sumilip, nagbabaka sakali na makikita nya si Alexa. Biglang nabuhayan ng loob si Tristan ng may makita syang kasamahan ni Alexa sa Volleyball."Hi! Tapos na ba ang practice game nyo?" Tanong ni Tristan sa babae
Ngiting ngiti ang babaeng kaharap ni Tristan at halatang kinikilig "Ahm! Yah." Maarte nitong sagot
"Si Alexa palabas na ba ng gym?" Tanong nito
"Naku, hindi nya natapos ang practice game eh, sinugod sya sa University Clinic, bigla kaseng nagcollapse"
BINABASA MO ANG
His Sunshine
RomanceHindi maunawaan ni Tristan kung bakit sya nakaramdam ng panghihinayang ng huli na nyang makikilala si Alexa. Ang bagong team captain ng volleyball team ng University nila. Noong una ay naging interesado sya sa dalaga dahil sa galing nito sa paglalar...