Ilang araw ang nakalipas,matapos ng paguusap ni Alexa at ng dating katrabaho nitong si Kate, napagkasunduan nilang sa susunod na araw nila pupuntahan ang sinasabi nitong kaibigan na pwedeng tumulong sa kanila. Minabuti muna ni Alexa na pumasok sa University.
Pagdating ni Alexa sa classroon nila, agad itong nilapitan ni Grace."Alarcon, ilang araw kang di pumasok ah. Have you talked to Coach Marco? Kahapon ka pa nyang hinahanap sa akin"
Napakunot ang noo ni Alexa "Bakit daw?"
"Hindi ko lang alam, pero sabi nya kahapon sa practice game, makakabalik ka na daw ng team. So kaylangan na nating magpractice dahil sa isang araw na ang tournament"
"Ha?" Gulong gulo ang isip ni Alexa kaya minabuti nalang nyang puntahan ang coach
Pagdating ni Alexa sa court...
"Finally, you're here, my team captain!" Ngiting ngiti bati ni Coach Marco sa kanya
"Coach?"
"Well, welcome back Alarcon. Nagbaba ng memo mula sa Deans Office at Guidance, binawi na daw ni Trina yung grounds na binabato sayo. Nasa team kana ulit, at makakagraduate ka ng scholar parin"
Napangiti si Alexa "But, paano nangyari yun Coach? Bakit biglang binawi ni Trina?"
Nagkibit balikat si Coach "Wala din akong idea. Pero ang importante, nalinis na ang pangalan mo, at naibalik ang scholarship mo."
"Pwede na ulit akong maglaro? Kasali ako sa tournament?" Masayang tanong ni Alexa
Tumango tango si Coach Marco "Oo, Alexa. Nasa team ka na ulit, at maglalaro kayo ng mga teammates mo sa tournament, lalaro ka bilang team captain nila"
"Salamat, Coach!"
"So we'll see later after your class?"
"Hahabol nalang ako Coach, wala pa po kase akong dalang pang laro, pero aattend po ako"
"Sige lang, hintayin ka namin."
Tumango si Alexa "I'll see you later Coach!" Saka ito nagsimulang maglakad palabas ng gym, pero bigla syang natigilan dahil sa nakasalubong nito. Si Trina at... Tristan. Nakapulupot ang kamay ni Trina sa mga braso ni Tristan. Ngiting ngiti si Trina habang palapit sa kinatatayuan nya.
"So, you're really back?" Maarteng tanong ni Trina
Inalis ni Alexa ang tingin sa kamay ni Trina na nasa braso ni Tristan saka binaling ang tingin kay Trina. "Salamat" mahina nitong sabi
"Well, to tell you honestly, ginawa ko yun dahil sa pakiusap sa akin ng boyfriend ko. Naawa kase sya sayo!" Sabay baling ng tingin kay Tristan "Right, Babe?" Malambing nitong tanong
Napakunot ang noo ni Alexa sa narinig. Boyfriend?
Hinintay ni Alexa ang sagot ni Tristan sa tanong ni Trina, nakatingin ang binata sa kanya ngayon na walang kaemoemosyon, saka tumango.Napayuko si Alexa, pakiramdam nya ang nanliit sya sa mga sinabi ni Trina. Pero kaylangan nyang lunukin muna ang pride alang alang sa scholarship nya.
"So see you around, Alarcon!" Paalam ni Trina kay Alexa,bago bumaling kay Tristan "Let's go, Babe?"
Saglit na tumingin si Tristan kay Alexa saka ibinaling kay Trina ang tingin. "Sige!"
BINABASA MO ANG
His Sunshine
RomanceHindi maunawaan ni Tristan kung bakit sya nakaramdam ng panghihinayang ng huli na nyang makikilala si Alexa. Ang bagong team captain ng volleyball team ng University nila. Noong una ay naging interesado sya sa dalaga dahil sa galing nito sa paglalar...