5

3 0 0
                                    


Nang mga sumunod na araw, pakiramdam ni Tristan ay mas lalo syang humahangga kay Alexa, lalo na at unti unti na nyang nakikilala ang dalaga. Hindi man naulit ang paglabas nila dahil pareho na silang busy sa mga practice game, malimit naman nya itong nakikita sa University. Katulad ngayon, narinig nyang may practice game si Alexa kalaban ang Volleyball Boys ng University Team, kaya papunta sila ni Larry sa Gym kung saan gaganapin ang Volleyball game. Pero ilang minuto na silang nakaupo sa bleachers hindi parin nya nakikita ang gusto nyang makita, wala pa si Alexa, pero ang mga teammates nito ay angsisimula ng magwarm up.

"Oh! nakakunot ang noo mo,Bro? Hindi mo pa ba nakikita ang hinahanap mo?" tanong ni Larry

"Ang alam ko wala syang pasok sa Cafe ngayon eh, bakit wala pa kaya sya?" nagaalalang sabi ni Tristan

"Wow! alam mo ang schedule? Impressive!"

Sinamaan ng tingin ni Tristan si Larry "Mangaasar ka na naman eh!"

"Oh! ayan na pala ang hinahanap mo" sabi ni Larry na nakatingin sa entrance ng gym

Agad na bumaling si Tristan sa entrance ng gym, pero napakunot ang noo nya ng makitang kasabay ni Alexa si Lance Forte, ang team captain ng Volleyball Mens ng University. Nagtatawanan pa ang dalawa habang naglalakad papuntang bleachers.

"Oppps! May kasamang boylet!" pangaasar ni Larry

Hindi pinansin ni Tristan ang pangaasar ng kaibigan. Bagkus ay tumayo ito sa kinauupuan at naglakad sa kinaroroonan nina Alexa na kasalukuyang nakikipagusap kay Lance.

"Alexa!" tawag nito ng makalapit

Sabay naman napatingin si Alexa a Lance.

"Oh, Valderama, andito ka pala" bati ni Alexa

Tumingin muna si Tristan kay Lance saka bumaling kay ALexa "Kanina pa nga kitang hinahanap eh, san ka ba galing? Yung mga team mates mo nagiistart ng magwarm up"

Napakunot ng noo si Alexa "Galing kaming Dean's Office, pinatawag kami ni Dean, bakit?"

"Himala, naligaw ka sa gym namin Valderama?" si Lance

Sinamaan ng tingin ni Tristan si Lance "May problema ba kung andito ako?" maangas na tanong nito

"Owww! Ang angas nun ah!" tatawa tawang sabi ni Lance na halatang iniinis si Tristan

"May problema ka ba sakin, Bro?" tanong ni Tristan at humakbang palapit kay Lance

Agad naman itong hinwakan sa braso ni Alexa "Tristan! May problema kaba?" takang tanong ni Alexa na nagtataka sa ipinapakita ni Tristan

Bumaling ulit si Tristan kay Alexa "Goodluck sa game mo! Mukhang hindi ko na kaylangan panuodin ang game mo!" halata sa boses nito ang pagkainis. Tumalikod ito kay Alexa at humaap kay Lance at sinamaan ng tingin saka ito naglakad palabas ng gym.

Agad namang sumunod si Larry ng makita ang paglabas ni Tristan.

"Anong problema nun? Boyfriend mo ba yun?" tanong ni Lance

Umiling si Alexa "Hindi!" maikling sagot nito, napaisip si Alexa kung bakit ganun ang ipinakitang ugali ni Tristan

Hindi alam ni Alexa na sa buong oras na iyon ay nakamasid si Trina, at halos kumulo ang dugo sa inis.

His SunshineTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon