Taga-laba, taga-luto, taga-linis ng bahay, ilan lang ang mga iyan sa naka-atang na gawain kay YUMI. In short, all around maid but no sahod. Magbabago lamang ang takbo ng kanyang buhay nang magkrus ang landas nila ni VINCENT--ang binatang hindi malaman kung uminom ba ng isang drum na suka o nasaksakan ng isang galon na glutathione dahil sa kaputian ng balat nito. At saksakan pa ng yaman pero mukhang hindi uso ang kumain. Yayain lang naman siya nito na magpakasal at ititira sa mala-palasyong tahanan. Subalit may isang kontrabida. Si VICTORIA--ang malditang stepmother ng binata. Ito ang hahadlang sa mala-prinsesa niyang buhay. Magtatapos din ba agad ang mala-fairytale niyang buhay kasama ang kanyang prinsipe?