Isa akong basher, basher ng isang sikat na singer na sa tingin ko hindi naman talaga ganun kagaling. I find him so annoying and arrogant, feeling sikat at lalong feeling magaling, di naman niya kayang gawan ng justice ang mga kanta niya! You can call me as his critic na din, napupuna ko mga flaws niya, bagay na hindi binibigyang pansin ng mga in-denial fans niya. Of course, mahal ko ang musika kaya gagawin ko ang lahat kahit na maging basher ng isang sikat na celebrity para sa ikabubuti ng music industry. Di ko hahayaan that this specific Cyrus Wendell will ruin it. Kaya nakapagdecide akong mag aral sa Philippine Arts Academy para pag-aralan ang sining ng musika kahit...pumipiyok ako pag nasa harap ng maraming tao. Pero matututunan ko kayang i-overcome ang takot ko ngayong nalaman kong papasok din ang walanghiyang Cyrus Wendell na yun sa PAA?