Lahat gagawin ni Brianna Gibbs, pati na ang pagbebenta ng kanyang katawan, para lang mapagamot ang kanyang ama na may Lung Cancer. Kahit pa gaano kasama sa kanya ang kanyang ama, mahal niya ito. Sapat na ba ang kanyang pagsasakripisyo, para mahalin din siya nito? Kaya ba niyang tanggapin ang inang matagal siyang inabanduna noon? Na kahit sandali, hindi siya naalalang balikan. Kakayanin niyang iwan ang taong mahal niya wag lang itong masaktan. Mag papa ka-martir siya sa piling ng isang lalaki na basura lang ang turing sa isang babaeng katulad niya. Oo, isa akong basura sa paningin niya. Ngunit mapaglaro ang tadhana, mapaglaro ang pag-ibig, napamahal na siya sa akin. Ganun din kaya siya? Kahit pa nawala ang ala-ala ko ng ilang taon, ang puso ko ay tumitibok pa din para sa kanya. Aiden Alder, isang bilyonaryo at CEO ng isang malaking kompanya. Kaya niya ba talikuran ang una niyang minahal para sa babaeng nagbibigay sa kanya ng anak? Magagawa niya bang mahalin ng buong-buo si Brianna Gibbs? Sabi nga nila nasa huli ang pagsisisi. Malalaman mo lang mahal mo ang isang tao pag nawala siya sa buhay mo. Pero ngayon nagkita silang muli? Kakayanin na ba niyang bumawi dito at makuha ang puso ng tunay niyang minamahal?