Si Baste at ang tubig sa Bukal Book 2 Halika na at muli mo akong samahang tunghayan ang kasaysayan ng isang kakaibang paslit na nagngangalang Anghel... ang anak ng isang Alamat. ~ ** ~ "Awooo!" Malakas na alulong ni Balbon upang ibalita sa pangkat ng mga lobo ang pagsisilang ni Rosalia. Hindi ito mapakali sa bawat pag-iri at pagsigaw ng nanganganay na ginang. "Huwag ka riyan umumang sa pintuan, Sebastian! Lalong mahihirapan sa panganganak ang asawa mo. Dumoon ka na muna sa labas." Natatarantang sabi ni Minyang sa pamangkin. Agad namang sumunod ang ama ng sanggol na isisilang . Sa likod bahay ito nagpabalik-balik habang nilalamukos ang sariling mga kamay. Mayamaya pa ay... "Uha! Uha!" Napatalon si Sebastian sa kagalakan at humahangos na pinuntahan ang kanyang mag-ina. Samantala... "Awooo..." Muling alulong ni Balbon upang ibalita sa lahat ng nilalang sa loob ng kakahuyan ang pagsilang ng isang sanggol na lalaki. Ang paslit na nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan at nakatalagang gumanap ng malaking papel sa MASAPA ayon sa librong pinangangalagaan ng mahiwagang Ingkong. Si Baste, ang kanyang amang nakatagpo sa mahiwagang tubig sa bukal... tuluyan na kayang nabura sa alaala nito ang mahihiwagang nilalang na naging kaibigan? Ano-ano ang panganib na haharapin ng mag-ama upang mapangalagaan ang mga kababaryo at ang kakahuyang tirahan ng mga nilalang na tanging sila lamang ang nakakarinig at nakakakita? Copyright © ajeomma All Rights Reserved
4 parts