Tatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling ipanganak bilang isang normal na babae upang mamuhay sa mortal na mundo. Subalit, ang kanyang dating paghahari ay naging alamat na tinangkilik ng maraming tao at mga kaharian, na nagdulot ng interes at digmaan. Gayunpaman, marami ang nagnanais na dakpin siya para sa kani-kanilang mga layunin, ngunit hindi iyon madali sapagkat ang kanyang buhay ay nakatali sa huling puting lobo na si Klean, isang kasalukuyang miyembro ng pwersang militar at ang kanyang personal na kabalyero. Sa kanilang paglalakbay, nadala sila ng kakaibang kapangyarihan sa isang parallel na mundo ng mahika. Dito, habang hinahabol ng mga guwardiya ng palasyo, namuhay sila kasama ng mga nilalang na may pambihirang kakayahan. Nang sila'y makabalik sa kanilang mundo, nabunyag ang mga nakakikilabot na sikreto tungkol sa digmaan, katotohanan, at kasaysayan ng kanilang pagkatao. Ngayon, sa harap ng mga nalalaman at kaguluhan, ano ang kanilang gagawin upang pigilan ang pagsiklab ng mas matinding digmaan? May pag-asa pa ba silang ibalik ang kapayapaan, o kailangan nilang magsakripisyo, kahit ang kanilang pagmamahal para sa isa't isa? Krissa