KABANATA XIX

230 34 31
                                    


KABANATA XIX: PAG UUMPISA NG PALIGSAHAN

Shanelle

Sa labas ng pilahan. "Pumasok na si Raidee, tiyak kong hahanapan niya tayo ng mauupuan sa loob kaya 'wag kayong mabahala. Kayang-kaya niya ang ganyang trabaho," aniya na may ngiti, habang naghihintay kami sa labas. Napakaraming tao, at mukhang lahat sila ay lalahok sa paligsahan. Karamihan sa mga ito ay may nakakatakot na hitsura at presensiya.

"Ayos lang iyon, walang problema. Hindi naman kami nagmamadali," sagot ko sa malumanay na tono, tinatanggap ang sitwasyon.

"Mabuti kung gayon. O siya, dito na muna kayo, may nais akong kausaping tao sa unahan," paalam niya, sabay tango. Siya'y bumahagyang ngumiti at nagtungo sa unahan upang lapitan ang isang lalaki na may suot na kayumangging sombrero. Ang damit ng lalaki’y punit-punit, animo’y pulubi.

"Ano naman kaya ang gagawin niya roon? Aabutan ba niya ng pera ang pulubi?" takang tanong ni Klean, tinatanaw si Binibining Re-L.

Nagkibit-balikat ako. "Anong malay natin. Mabuti pang pumila na tayo nang maayos. Babalik naman siya kaagad," ngiti kong sagot, sinusubukan na wag isipin ang sitwasyon.

Habang nasa pila, isang lalaki ang biglang dumaan at bumangga sa dibdib ko. Napaigik ako sa sakit—parang sinadya, pero hindi man lang ako pinansin, at nagpatuloy lang siya sa paglakad. Napansin ito ni Klean, kaya mabilis siyang lumapit at hinawakan ang lalaki sa balikat. Matangkad ang lalaki, kaya inangat ni Klean ang ulo niya upang makita ito.

Patakbo akong sumunod sa kanila. "Sandali, nabangga mo ang kasama ko. Hindi ka ba man lang hihingi ng tawad?" Malumanay pero halatang naiinis ang tono ni Klean.

Lumingon ang lalaki, taas-kilay, at sinabi, "Bakit, sino ka ba?" Dagundong ang boses niya, parang halimaw na handang umatake anumang oras.

"Hindi ho mahalaga kung sino ako. Ang pinag-uusapan dito ay ang paghingi mo ng tawad sa kasama ko. Mabilis lang naman iyon kaya huwag mong gawing mahirap," mahinahon pero may inis na sagot ni Klean.

"Ha? Bakit ako hihingi ng tawad? Hindi ko kasalanan na humarang siya sa daan," galit na sagot ng lalaki.

Kumuyom ang kamao ni Klean. Sa takot, hinawakan ko ang braso niya at mabilis na sumingit sa kanilang usapan. "Klean, hayaan mo na. Huwag mo nang patulan. Hindi naman ako gaanong nasaktan," sabi ko, sinusubukan silang pigilan.

Huminga nang malalim si Klean at huminahon, kaya dahan-dahan kong inalis ang kamay ko sa braso niya. Akma na sana kaming babalik sa aming pwesto nang biglang magsalita ulit ang lalaki. "Sandali, saan kayo pupunta? Hindi ako nagkakamali, hindi kayo taga-rito, tama ba ako? Galing kayo sa ibang mundo, hindi ba?"

Nagkatinginan kami ni Klean, hindi inaasahan na malalaman ng lalaki ang aming lihim. Tama nga si Binibining Re-L—mabilis nilang nalalaman kung sino ang dayuhan, kahit tingin at kilos lang ang pagbabasehan.

"Paano mo nasabi 'yan? Gaano ka nakakatiyak? Nagkakilala na ba tayo noon?" sarkastikong tanong ni Klean, dahilan upang pagtawanan siya ng lalaki.

“Nakakatawa kang kausap, pero hindi mo ako maloloko, bata,” sagot ng lalaki, ngunit hindi natinag si Klean. Ganoon pa rin ang hitsura niya—matatag at walang takot.

“Paumanhin, pero nagkakamali ka. Sa Arhetilla kami nakatira,” singit ko sa usapan, umaasang mapaniniwala namin siya.

Ngunit ngumisi lang ang lalaki. “Binibini, sa mundong ito ay may mahika na pumupuno sa hangin. Lahat ng mga narito’y kayang makita at maramdaman ang kaibahan niyo. Hindi kayo taga-rito. Huwag niyong subukan akong lokohin."

WISEMAN KINGDOM: The War (Revise 2)Where stories live. Discover now