KABANATA V

367 108 4
                                    


KABANATA V : PRINSIPE LHYSTER

Bandang alas-siyete pa lamang ng umaga ay napakarami na ng tao sa buong kaharian ng Wiseman dahil sa nalalapit na pagpupulong. Nakaayos na ang lahat at naroon na ang mga ministro, heneral, at iba pang mga taong may mataas na katungkulan sa nasasakupan. Ang tanging hinihintay na lamang ay ang prinsesa at prinsipe. Inaayusan pa si Prinsesa Shanelle sa kaniyang silid, habang si Prinsipe Lhyster ay paparating pa lamang.

Makalipas ang ilang sandali, dumating na sa wakas si Prinsesa Shanelle. Ang kaniyang ganda ay tila diyosang bumaba mula sa langit, nakasisilaw sa mata ng lahat. Umupo siya sa pinakaunang upuan, sumunod naman si Prinsipe Lhyster, at ang kaniyang kaguwapuhan ay hindi nakaligtas sa paghanga ng mga aliping kababaihan. Umupo siya sa tabi ni Shanelle.

"Magandang umaga, Prinsesa Shanelle," masayang bati ni Lhyster sabay halik sa kamay ng dalaga, ngunit hindi siya pinansin nito.

Tahimik lamang si Shanelle at tumingin sa kaniyang mga magulang.

"Makinig ang lahat, sisimulan na natin ang pagpupulong," isang malakas na tinig ang umalingawngaw—ang tinig ng hari.

Maingay ang mga tao, ngunit biglang tumahimik nang magsimula na ang pagpupulong.

"Pinatawag ko kayong lahat upang ipaalam na muling nagkaroon ng pananalakay sa ating kaharian. Nangyari ito kahapon, sa mismong oras ng pagdating ng aking anak na si Shanelle. Ayoko nang maulit ito, kaya't humihingi kami ng inyong tulong. Ipinatawag ko rin ang pamilya Jill upang ipahayag na si Prinsipe Lhyster ang mapapangasawa ni Shanelle. Sila ay nakatakdang ikasal at maging hari at reyna ng Wiseman sa susunod na henerasyon. Samantala, habang hindi pa sila ikinakasal, si Lhyster ang magiging tagapagtanggol ng aking anak. Ito ang aking paraan upang masubok ang kanyang kakayahan. Sino ang sumasang-ayon?" tanong ng hari.

"Sumasang-ayon ako. Noon pa man, alam na ng lahat kung sino ang magiging asawa ng anak ko," sagot ng ama ni Lhyster, si haring Jharel.

"Sumasang-ayon din ako."

"Ako rin."

"Wala kaming pagtutol, basta't nasa ayos ang kanilang pamumuno sa hinaharap ay walang magiging problema," sabay-sabay na sagot ng mga makapangyarihang dumalo sa pagpupulong.

"Kayo? Mga mamamayan ko, pumapayag ba kayo?" tanong ng hari sa mga nasasakupan.

Sabay-sabay sumigaw ang mga tao, "Oo, pumapayag kami!"

"Walang dapat mananakop sa atin. Walang dapat masaktan. Protektahan natin ang dapat protektahan!" muling sigaw ng mga tao.

"Hindi maaari, ama!" Biglang tumayo si Shanelle, tila hindi mapalagay sa kaniyang nakikita. Puno ng pag-aalinlangan ang kaniyang puso.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ng hari sa kaniyang anak.

"Hindi ako pumapayag. Napag-usapan na natin ito, huwag ninyo akong pilitin. Hindi siya ang aking nais. Wala akong nararamdamang pag ibig sa kanya," padabog na sabi ni Shanelle bago mabilis na lumabas ng bulwagan. Ngunit hindi niya alam, sinundan siya ni Lhyster.

Tumigil si Shanelle sa isang tahimik na hardin, puno ng mababangong bulaklak. Tila nawala ang kanyang galit at naupo sa isang bangko. Huminga siya nang malalim at tumingin sa mataas na puno sa harapan niya.

WISEMAN KINGDOM: The War (Revise 2)Where stories live. Discover now