KABANATA XIV : ANG BATANG PUSA
Klean
Kinagabihan, ako'y nakaupo sa malaki at malapad na bintana. Makapal ang pahalang na kahoy nito kaya hindi mahirap upuan. Walang akong imik na nakamasid sa buong lugar. Ang lawak ng lugar na ito at punong-puno ng mga kakaiba at misteryosong nilalang. Mula rito, tanaw na tanaw ko ang maliwanag na buwan nagsisilbing liwanag sa buong paligid.
Hindi ako mapakali sa tuwing naiisip ko si Yuki, hindi ko alam kung natalo ba niya ang kalaban o siya mismo ang nasawi. Maliban do'n nag aalala rin ako sa bayan ng Wiseman. Baka kung ano na ang nangyayari. Kainis, wala akong magawa. Mukhang nanganganib na sila roon tapos ako, narito lang at nakaupo.
"Gusto mo ba ng kape, ginoong koronel? Si Binibining Re-L ang gumawa nito para sa iyo," Napalingon ako sa nagsalita. Bumungad sa akin si Binibining Shanelle na may dalang isang tasang kape.
"Hindi, salamat. Saka, Klean ang itawag mo sa akin, mukha kang kasing nang aasar," walang emosyong sabi ko.
"Nagbibiro lang ako. Masyado kang seryoso," anya. Lumapit siya sa maliit na mesa na nasa gilid at doon inilapag ang hawak niyang tasa. Pagkatapos, lumapit siya sa aking gawi. "Maayos ka na ba ngayon?" tanong niya. Tumango ako.
"Mabuti kong ganoon, nga pala. . . .anong ginawa mo sa labas noong isang gabi? Bakit tila bigla ka yatang nayamot? May ikinagagalit ka ba?" tanong pa niya subalit napailing lamang ako at tumingin sa labas.
"Marahil iniisip mo pa rin hanggang ngayon ang Wiseman kung kaya't nagkakaganiyan ka? 'Wag kang mag alala, parehas lamang tayo. Kada oras ko iniisip ang kalagayan ng mga tao ro'n at nag aalala ako sa kanila ng husto." Napakunot ako ng kamao. "Nakakairita. Kung kailan kailangang-kailangan ako, saka pa ako wala. Wala akong magawa samantalang sila ay binubuwis ang buhay para protektahan ang lugar," inis kong sabi. Bilang miyembro ng pwersang militar, nararapat lamang na maramdaman ko ang mga bagay na ito. Nakikita ko sa aking sarili na hindi ako karapat-dapat at napaka iresponsible. "Naiintindahan ko ang kagustuhan mong tumulong ngunit sa lagay natin ngayon ay wala tayong magagawa, tanggapin nalang natin na isang linggo tayo rito!" sabi niya.
Tiningnan ko siya sa mata. Nakaharap kami sa liwanag ng buwan kung kaya kitang-kita ko ang maamo niyang mukha. Ang malaanghel niyang kagandahang hindi kaagad kukupas.
"Patawarin mo ako kung nadamay ka sa kalokohang ginawa ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito," paghingi ko ng paumanhin. Iyinuko ko pa ang ulo ko upang makita niyang totoo ang intensiyon ko.
Umiling siya at hinawakan ang kamay ko. Sinundan ko iyon ng tingin. Dama ko ang malamig at malambot niyang kamay. "Dapat ako ang hihingi ng pumanhin at hindi ikaw. Hindi ka sana mapapahamak kung hindi dahil sa akin. Ako ang dahilan kung bakit pinapasan mo ang problema. Ang pasaway ko kaya ito ang napapala ko," nanlulumong sabi niya.
"Hindi. Wala kang ginawang mali tungkol do'n, ako ang may kagustuhang nito. Sa katunayan, hindi sapat iyon. Mahina ako. Hindi kita naprotektahan kahit alam kong ikaw ang pakay ng kalaban." Nalungkot ako sa mga sandaling iyon ngunit agad napawi nang mas humigpit ang paghawak niya sa kamay ko. Ang init ng kanyang kamay ay tumakip sa aking nilalamig na balat. Tinutulungan niya akong kumalma at sa tingin ko nama'y epektibo ito.
"Ayos lang, walang problema. Ikaw pa nga lamang ang naglakas loob na lumaban para sa akin saka kitang-kita naman sa mga mata ng lalaking iyon na gusto talaga niya akong kunin, hindi ko alam kung bakit," positibong sabi niya.
YOU ARE READING
WISEMAN KINGDOM: The War (Revise 2)
FantasyTatlong libong taon na ang nakalipas nang paslangin ang makapangyarihang prinsesa ng kalikasan matapos siyang patayin ng isang miyembro ng maalamat na angkan ng mga puting lobo. Matapos ng kanyang kamatayan, naghintay siya ng ilang taon bago muling...