Meet Maria Claudeth Santiago ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang pinaka sanaberong kababata nya na Si Liro Angelo Ong. Para kay Claudeth ay wala na syang ibang mamahalin pa kundi si Liro lamang. Kaya naman ay kahit na palagi syang dinedeadma nito at minsan pa nga ay pinapahiya ito sa harap ng maraming tao ay hindi sya natinag na suyuin ito. Ika nga nya ay walang taong nag wawagi kung susuko lang kaagad. Pero hanggang saan naman kaya aabutin ang pagmamahal nya sa lalaking hindi naman sya kayang mahalin? May pag asa ba kayang masungkit nya ang puso ng lalaki? Abangan.