-5-
Hindi ko alam kung anong meron sa umagang ito. Masyado atang tahimik dito sa department namin eh samantalang dapat sa mga oras na ito eh halos mabibiingi na ako sa ingay ng mga babaeng pinag tsi-tsimisan ang mga crushes nila.
Ha! Tsimis naman talaga mo matatawag ang ginagawa nila kasi naman bukod sa kanya kanya silang yabangan sa mga crush nila eh kaya kanyang lait naman sila sa mga babaeng nalilink sa mga crushe nila.
Hindi ko na lang pinansin ang katahimikan at dumeratso na ako sa homeroom ko. Pero Pag dating ko dun ay nag taka naman ako kung bakit at eh halos wala ang mga kaklase kong babae. Yung totoo? Womans day ba ngayon at in-announce kahapon na exempted sa class ngayon ang mga babae? Parang hindi ata ako na inform ah.
Any way naupo na ako sa seat ko. Maaga pa para mag start ang klase namin kaya naman ay isinaksak ko ang headset sa tenga ko at nakinig ng music sa phone ko. Ipinikit ko ang mata ko para kahit papaano eh maibsan pa ng konti ang antok ko.
Maya maya pa ay naamdaman ko na nagdatingan na ang mga girl classmates ko na may kaya kanyang komento about daw sa gwapong guy na bagong transfer dito sa school. Hay! Mga makatsang talaga ang mga ito. Makakita lang ng gwapo eh nag fi-freak out na agad na akala mo eh nun lang nakakita ng gwapong nilalang.
Bigla naman akong napatingin sa pinto ng biglang sumigaw si...? Diana ata yun? Basta yun. Sumigaw sya at nag tutumili pa habang sinasabing paparating na daw sya. Eh? Malandutay talaga ang mga babaeng ito. Hay.
Di ko na sila pinansin at ipinikit muli ang mata. Bigla namang tumigil ang ingay sa loob ng room na syang ipinagtaka ko. Napagod na ata? Pero hindi pala dahil dun kundi dahil sa ang sama sama na pala ng tingin nila sakin ng mag mulat ako ng mata. Ok anong problema nila? I ignore ko na sila kasi wala naman akong mapapala sa kanila ng bigla na lang may nag salita sa likod ko na syang ipinanlaki ng mata ko.
"Hi! Girl friend." Dali dali akong napalingon sa likod ko upang makita kung sino ang nasa likod ko. At the moment na makita ko na ito ay agad naman akong napatayo sa kina uupuan ko at napa bulalas.
"Boy Friend?!" di makapaniwalang sabi ko dito. Napa singha naman ang mga mandutay kong classmate sa nasaksihan nila.
Nakangiting nakatingin sakin si Wee sakin at kinindatan pa ako. Ako naman ay nag palipat lipat ang btingin sa kaya at sa mga classmates ko then saka ko lang na realize. Shit! Malesyoso nga pala ang mga ito. Mabuti na lang at dumatin na si Mr. Ignacio at nag simula na ang klase.
Breaktime na at andito kaminngayon ni Audrey sa garden kung saan kami malimit tumambay kapag puno ng tao sa canteen. Kasama din namin ngayon si Wee na halos hindi na matanggal ang ngiti. Ok? Na plaster ata ang labi nito at simula kanina pa syang nakangiti matapos ko syang ipakilala dito kay Audrey. Hala! Hindi kaya??? Eh pero sabi nya taken na sya. Hay ewan ko ba sa trip nya.
"So. Yun pala ang katotohanan sa likod ng enderment nyong 'boy friend girl friend'." taas kilay na sabi ni audrey matapos nyang malaman ang totoo sa amin ni Weemark. "at talagang pumatol ka sa deal nitong lalaking to Odeth?" Di makapaniwalang saad niti sakin.
"Eh bakit naman? Wala naman akong nakikitang mali sa napag kasunduan namin ah. Tutulungan ko lang sya, tapos tutulungan nya din eko. Mag tutulungan lang naman kaming bukuhin ang tunay na feelings ng mga taong mahal namin ah." Pag papaliwanag ko dito.
Yung deal na yun kasi eh yun ung offer ni Weemark sakin noong nagkita kami sa shop at naikwento ko sa kanya ang nangyari sa lovelife ko. And like me eh halos hindi nag kakalayo ang istorya ng buhay pag ibig ko sa kanya.
Meron syang girl na gustong gusto nya pero iba naman ang gusto nito at nung time na nag tagoo ang landas namin sa shop eh yun din pala yung time na nag luluksa sya dahil sa tinapat na sya nung girl na hanggang friendship lang daw ang kaya nitong ibigay sa kanya.
Oh well, choosi pa sya buti nga at nakipag friend pa sa kanya yung girl unlike nang sakin eh hindi ko alam kung friends pa ba kami ni liro dahil simula nung nag college kami eh nanlamig na ang pakikitungo nya sakin even as a friend.
After class eh nag punta na kami ni Weemark sa gym para isagawa ang plano namin. Kahit na wala akong kasiguraduhan dito sa gagawin namin eh mag sasakripisyo ako para malaman ko kung kahit konti ba eh nagkaron ng care sakin si Liro.
Mabuti na nga lang at wala sa paligid sa Shanee para bantayan si Liro kasi sa mga nasasagap kong tsismis eh todo bantay daw ito sa kanya. Ha! Dapat lang na bantayan nya ng maigi si Liro dahil baka hindi na nya napansin eh nasa kanlungan ko na sya.
So here's the plan. Dadaan ako sa gilid ng gym katapat kung saan nag papractise sila Liro ng basketball tapos kunyare eh makakabangga ko si Weemark tapos magsgalit sya sakin.
Ok. So. Lights. Camera. Action....
"Ouch!" Sigaw ko ng bigla bigla akong binunggo ni Weemark. Aray ha! Ang sakit ng pwet ko sa pagkabagsak ko hindi ko inakalang lalaksan nya ang pag bangga sakin. Tae na! Pati paa ko masakit din, natapilok din yata ako eh. Mamaya ka lang sakin talaga. At dahil nga sa bad boy ang magiging image ni weemark dito eh nagulantang naman ako sa lakas ng pag sigaw nya sakin. Watanayce! Nakakadalawa ka na ah! Pambihira! Sinasadya talsga ng loko.
"Tanga ka ba?! Bakit hindi mo tinitingnan yang dinadaanan mo?! Tingnan mo! Nadumihan tuloy ang uniform ko!" Napapikit naman ako sa sigaw nya, langya! ang sakit nya sa tenga. Pakiramdam ko eh mababasag ata eardrums ko. Eh sorry naman dahil hindi ko napansin na ang nahawakan ko pala bago nya ako banggain eh ang ink ng marker ko na walang takip. Ayan nabuhos ko tuloy sa kanya.
Naagaw naman ang pansin ng mga taong naririto sa gym ang ginawang pag sigaw sakin ni Weemark. Tumingin ako sa mga tao sa paligid ko lalo na sa direksyon nila Liro. Nakita ko syang nakatingin din sakin kaya naman eh ginalingan ko ang pag arte ko.
Dahan dahan akong tumayo dahil swear! Talagang malakas ang pag bagsak ko sa floor.
"Wow! Ha! So ako pa ngayon ang may kasalanan eh ikaw naman itong bigla na lang nambubungo dyan." Hindi ko napigilang hindi mapataas ang boses ko dahil sa inis at sakit na nararamdaman ko ngayon. Pano ba naman. Di man lang agad lumapit sakin si Liro at talagang tiningnan lang ako na para bang walang nangyari.
"Abat! matapang kang babae ka ha!" Handa na ako sa pwedeng mangyari. Inaantay ko na lang ang pag landing ng palad nya sa mukha ko dahil yun ang napag kasunduan namin.
Wala akong naramdaman na kamay sa pisngi ko dahil may pimigil dito. Expected ko na si Liro na yun pero nagkamali ako dahil Si Marco pala ang lalaking iyun. Hay.
Napatingin ako sa direksyon nila liro at nanlumo ako sa nakita ko. Wala na pala dun si Liro. Wala na sya dahil umalis na sya kasama ang mga kaibigan nya. Buti pa itong si Marco Kahit hindi kami close eh nagawa nya akong iligtas. Pero si Liro na minahal ko simula pa noon hanggang ngayon eh pinabayaan na lang ako. Hindi man lang nya ako nagawang iligtas kahit as friends lang Or kahit hindi na as friends, kahit bilang schoolmate man lang. Kaso wala eh.
Pag dating sakin napaka bato talaga ng puso nya. Hindi ko tuloy maisip kung may malaking kasalanan ba akong nagawa sa kanya. Kung nasaktan ko ba sya o ano? Minahal ko lang naman nya.
Hindi ko na pinansin ang nag babangayang si Marco at Weemark. Nag lakad na ako palabas ng gym ng iingka ingka. Nasasaktan ako ngayon hindi dahil sa pagka bagsak ko sa sahig kundi dahil sa pag walang bahala sakin ni Liro. Itong sakit ng pwet ko eh kaya ko pa pero itong sakit sa puso ko? Hindi ko na alam kung kakayanin ko pa.
Nabutan ako ni Audrey sa hallway, tinanong nya ako kung ano ang nangyari sakin pero hindi ko sya sinagot. Tahimik akong nag lakad hanggang makarating ako sa parking lot. Sumakay na ako pero hindi ko muna pinaandar ang kotse. Hinayaan ko munang lumabas ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Kahit katiting lang na malasakit liro. Kahit konti lang."
BINABASA MO ANG
Dear Future Husband
RomantizmMeet Maria Claudeth Santiago ang babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ang pinaka sanaberong kababata nya na Si Liro Angelo Ong. Para kay Claudeth ay wala na syang ibang mamahalin pa kundi si Liro lamang. Kaya naman ay kahit na palagi syang...