chapter 1

5 1 0
                                    

-1-

"Hello? Where are you na ba? My God Cloudeth! Malapit na mag umpisa ang kasal. All set na kami dito at ikaw na lang ang inaantay namin. Hindi ka pwedeng ma late."

Nailayo ko bigla ang phone ko ng sagutin ko ang tawag ni Miss Zyrene. My Ghad! Bakit ba ang tining ng boses ng matandang dalaga na yun? Kung makasigaw akala mo naman bingi ang kausap nya. Kung hindi ko lang kailangan ang part time work na 'to eh nun kang mag tyaga ako sa matandang yun. Nuknukan ng sunget!. Kaya walang punapatol sa kanya eh.

Kinalma ko ang sarili ko bago ako nakipag usap sa kanya.

"Im on my way na po. Don't worry hindi po ako ma le-late."

"Dapat lang dahil ayokong mapahiya sa cliyente ko. Ok, bye."

And by that. Naihagis ko ang phone ko sa passenger seat ng kotse ko. I am a college student at ang kurso ko ay Culinary, i love cooking and baking. But i also love photography. Nung nasa high school pa lang ako ay palagi akong sumasali sa activity sa school. Kumukuha ako ng mga iba't ibang pictures na gagamitin ng mga journalist para sa kanilang article. Aba! Sa lahat ng photographer sa school namin eh ako ata ang mabenta. Gusto kasi nila ang mga kuha ko. Sakto daw kasi yung tamang layo at lapit ng kamera ko sa object na kukuhanan ko.

There are something daw kasi sa mga kuha ko na talagang magugustuhan mo. Kagaya na lang nung minsang nag punta ako sa tagaytay. There are couples na humingi ng favor sakin na kung pwede ko ba daw sila kuhanan ng picture habang umaakyat sila sa bato. At dahil sa hobby ko ang pag kuha ng mga letrato ay pumayag ako. Six shots ang ginawa ko at ng makita nila ay tuwang tuwa sila sa naging resulta. Para daw kasing may story ang bawat letratong kuha ko sa kanila. At dahil din doon kaya ko nakilala si Miss. Zyrene. In-endorse kasi nila ako kay miss sunget. At ng makita ni Miss Zy ang mga kuha ko ay nagustuhan din nya agad kaya naman ay kinuha nya ako bilang isa sa mga photographer nya. I grab the opportunity dahil para mas mahasa pa ang kaalaman ako sa photography.

At exactly 5:45pm ay nakarating ako sa venue kung saan gaganapin ang kasal. Hapon ang kasil dahil gusto ng ikakasal ang sunset theme. Very romantic raw kasi.

After a few minutes ay nag bigay na ng go signal ang wedding coordinator na mag so sisimula na ang kasal. So ako as a photographer ay pumwesto na ako sa dapat kong pwestohan.

Lahat ng kaganapan ay kinuhaan ko. From the time na nag lakad ang mga abay, flower girl, ring bearer. Mula sa mga ninong at ninang. Sa harap ng altar, sa mga parents at sa groom na Nakangiting at haltang kinakabahan. At syempre ang bride. Habang kinukuhaan ko ang bride ay hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi humanga sa kagandahan ng bride. Ninggit tuloy ako.

At ng matapos ang ceremony ay diretso na sa hotel kung saan gaganapin ang salu-salo at ang mga activities na ginagawa sa kasal. Syempre wala din akong pinalagpas na pag kakataon. Bawat pangyayari ay kinukuhanan ko. Hanggang sa dumating na sa point na maghahagisan na ng garter at flowers. Wala akong ginawa kundi ang kumuha ng kumuha ng pictures hanggang sa hindi ko namamalayan na sa akin na pala bumagsak ang bulaklak na hinagis ng bride.

OK? Awkward. Pano ba naman, halos lahat ng tao ay sakin napatingin. Napangiti na lang ako para hindi masyadong awkward. Kinuha ko ang bulaklak at tsaka ibinalik sa bride pero nagulat ako ng tangihan nya iyon bagkus ay niyakap pa nya ako at binati.

"Congrats! Sayo napunta ang bulaklak so it means ikaw naman ang susunod na ikakasal." she smile at me. Natulala naman ako sa ngiti nya. Ang ganda. No wonder kung bakit pinili syang pakasalan ng groom. Pero teka lang ha? Ano nga ulet yung sinabi nya? Ako na ang susunod na ikakasal? Weh? Di nga? Totoo ba yun? Eh kung totoo nga yun kanino naman? Kay L.A? Nakuh! Matagal pa mangyayari yun. Si L.A pa ba? Eh halos kamuhian ako ng taong yun. Ewan ko ba dun. Wala naman akong ginagawang masama sa kanya. Minamahal ko pa nga sya ng sobra eh, pero kung gano naman ko sya ka gusto. Ganun naman sya kalaki ang pagka ayaw sakin. Haay ewan.

So wala na akong nagawa ng higitin ako ng bride at pinaupo sa upuan na kung saan doon uupo ang nakakuha ng bulaklak para antayin ang lalaking nakakuha ng garter na syang mag lalagay sa legs mo. Napangiwi naman ako dun. Kung sana lang eh si L.A ang lalaking yun, abah! Bongga! Ang saya saya ko siguro.

Habang inaayos ko ang kamera ko ay naramdaman ko naman ang isang lalaking lumapit sa harapan ko. Siguro sya ang nakakuha ng garter. Umayos na ako ng upo at kahit na nahihiya ako ay ngumiti na lang ako sa bride na todo kung maka cheer sakin. At nang hawakan na ng lalaki ang paa ko para ilagay ang garter ay agad naman akong natulala sa nakita ko..

Oh my gosh!

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko, yung mga paru-paro sa tyan ko? Ayun nararamdaman kong nag wawala na. Shemay. Nananaghinip ba ako? Nakatungo pa lang ang lalaking iyon pero alam ko na kung sino sya. Kilalang kilala sya ng mga mata ko at lalong lalo na ng puso ko.

Liro Angelo Ong.

Halos hindi ako makahinga sa sobrang pag pigil ko ng hininga ko. Pano ba naman kasi, hindi ko akalaing magkikita kami ni Liro dito at mas ikinagulat ko pa ay sya pala ang bestman ng groom kanina. Kaya pala the moment na napatingin ako sa knya kanina ay kihabahan na ako. Naka shades kasi sya kaya hindi ko sya nakilala kanina to the fact na busy din ako sa pag kuha ng mga letrato. Kaya pala feeling ko eh pamilyar sya sakin yun pala ay sya pala talaga yun. Waaah!!! Hihimatayin na ba ako? Wait! Wag muna. Haha! This is it. Might as well enjoy the moment. Hihi.

At nang mailagay na nga nya ang garter sa legs ko ay tsaka lang sya nag angat ng mukha at tumingin sa akin. Waaah!! Nalaglag ang puso ko! Nag diwang ang mga mata ko! Pano ba naman nginitian nya ako. Yung ngiti na palagi kong ninanais na makita sa kanya. Yung mga ngiti na syang nakakapag palambot ng tuhod ko.

Oh my gosh! Mamamatay na ba ako?

Dear Future HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon